De Lima, pinagbibitiw ni Duterte

BINATIKOS NI Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang aniya’y mabagal na pagsisiyasat ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ng rice smuggling sa bansa.

Partikular na kinuwestyon ng alkalde ang pagsisiyasat sa pagkakakilanlan pa lang ng umano’y utak ng rice smuggling na si David Tan.

Pasaring ni Duterte sa ahensiya, “Sino ang nagpoprotekta diyan sa mga smugglers? Who are they? Who is she?”

Hinamon pa niya si Justice Secretary Leila de Lima na bumaba na sa puwesto.

“The Constitution requires it is subject to the Commission on Appointment (CA) through confirmation. For delicadesa, umalis na siya diyan. Until now, she has been bypassed for several times.”

Sinabi ni Duterte na handa siyang humarap sa imbestigasyon ng Senado sa naturang smuggling sakaling ipatawag.

Pinanindigan pa niya ang pahayag laban sa mga smuggler sa kabila ng pagbatikos at bantang pagkaso sa kanya ng Commission on Human Rights (CHR).

Ayon sa CHR, inihayag ni Duterte, “I want smuggling of rice in my city stopped. But if you still do not stop your smuggling activities, I will kill you.”

“My statement is directed to the criminals… not the law abiding citizens… Anong ipa-file nila? If you are in the position for a long time and haven’t solved rice smuggling na naka-lose ang gobyerno ng P1.3 trillion, that is criminal negligence in their part,” pahayag ng alkalde.

Sinabi pa ni Duterte na handa rin siyang makulong madakip lang ang mga smuggler.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.