De Lima, kinondena ang mga pulis sa torture video

Sinabi kahapon ni Justice Secretary Leila De Lima na hindi sapat ang alisin lang sa puwesto ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa torture video, kailangan ding managot ng mga ito sa kasong administratibo at kasong kriminal.

Ayon kay De Lima, ang nasabing karahasan ay paglabag sa mga karapatang pantao.

“The Philippine National Police should do an honest to good investigation… Since the victim died subsequently, although that has to be confirmed, the highest penalty is reclusion perpetua (40 years imprisonment),” ani De Lima.

Idinagdag pa niya na dapat ding ikonsidera sa kasong ito ang “command responsibility”.

“The head of that police station, he may or may not be present there but he could have done something to prevent or if he discovered it subsequently he could have done something,” sabi ni De Lima.

“Freedom from torture is one of the non-derogable rights. It is certainly no excuse. I don’t know what kind of culture our law enforcers are in,” aniya.

Sinibak na ng PNP sa tungkulin si Senior Inspector Joselito Binayug, hepe ng presinto at 21 iba pang pulis na umano’y sangkot sa nasabing video, kung ipinapakita kung paanong tinotortyur umano ng mga police officer ang isang suspek sa pagnanakaw, na pinaniniwalaang naganap sa police station sa Asuncion St., sa Tondo, Manila.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.