De Lima, ipako-contempt si Kapunan

ISINUSULONG NI Justice Secretary Leila de Lima na ma-contempt of court si Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Janet Lim-Napoles.

Ito ay matapos ispu-bliko ng nasabing abogado ang mga argumento at ebidensya sa kasong serious illegal detention sa pagdinig ng petisyon ng kampo nito sa Makati Regional Traial Court kamakailan.

Ipinakita ni Kapunan sa media ang mga kuha sa closed circuit television (CCTV) footage sa Pacific Plaza Tower unit kung saan sinasabi ni Luy na siya’y idinetine.

Iginiit ng abogado na malaya naman si Luy sa unit kasama ang kapatid ni Napoles na si Reynald Lim taliwas sa bintang nitong serious illegal detention ang naganap.

Lumalabas na binaligtad din umano ng Justice Department ang liham ni Luy na umaaming hindi siya idinetine nina Napoles at Lim.

Base sa ginawang ito ni Kapunan, nilabag ng abogado ang subjudice rule, ani De Lima.

Kaya inutusan ng DOJ Chief ang prosekusyon na udyukan ang korte na i-contempt of court si Kapunan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.