De Lima, hiyang-hiya sa ‘pagkawala’ ni Lacson

LUMALABAS NA KAHIYA-HIYA si Justice Secretary Leila De Lima dahil sa kabila ng kanyang pagsisikap, wala pa ring magawa ang gobyerno para mahanap si Senador Panfilo Lacson.

“Honestly, I am embarrassed because up to now, we don’t know where he is,” pahayag ni De Lima.

Matapos kanselahin ang passport ni Lacson at makipagtulungan sa mga law enforcers sa ibang bansa para tuluyan itong arestuhin at madakip, patuloy pa ring nakaiiwas ang senador sa mga awtoridad.

“The question now is he out of the country or is he still inside? With everything that has been done, the red notice, cancellation of passports, coordinating with the authorities abroad, nothing,” ani De Lima.

Ibinasura ng Court of Appeals ang pagpapawalang-bisa ng arrest warrant kay Lacson habang patuloy itong nagtatago at halatang ayaw magpakita.

Isa ang senador sa mga akusado sa pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.