De Lima, Dumalo sa Ika-114 Anibersaryo ng Kalayaan sa Caloocan

MAS NAUNANG pinili na daluhan bago tumungo sa Palasyo at maging panauhing pandangal ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima sa pagdiriwang ng ka-114 Araw ng Kalayaan na ginanap sa dambana ni Gat Andres Bonifacio sa Bonifacio Monument Circle (BMC) kahapon ng umaga.

Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Enrico Echiverri ang naturang selebrasyon at siya ang nagpakilala sa panauhing pandangal at tagapagsalita.

Madamdaming binanggit ni De Lima sa kanyang pagsasalita na “dapat bantayan ng bawat Pilipino ang kalayaan, hindi lamang basta pagselebra sa pamamagitan ng isang magarbong okasyon kundi gunitain ang mga nagawang pagtatanggol ng mga nauna sa atin.”

Dumalo rin sa okasyon sina Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri, Madam Puri Echiverri, mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, department heads, city hall employees, mga tauhan ng pulisya, kagawad ng pamatay sunog, Army Reserved Command, iba’t ibang sektor ng lipunan, mga estudyante, mga residente at iba pa.

Naging tema sa taong ito ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ang “Kalayaan: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan” na bagama’t inulan ay hindi pa rin nagpatinag ang mga nagsidalo na nagpakita ng buong suporta kay Mayor Recom.

Kasabay ng paggunita ng Araw ng Kalayaan ay patuloy rin ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod kung saan ay isang taon itong ginugunita sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga residente ng iba’t ibang programa.        (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.