De Lima, Duda sa Pagkamatay ng Ozamis Group Leader

MALAKI ANG duda ni Department of Justice (DOJ) Sec. Leila De Lima sa insidente ng pananambang o “agaw baril” sa lider ng Ozamis robbery holdup gang sa Laguna, Lunes ng gabi.

Ayon kay De Lima, nagtataka siya kung bakit hindi ibinigay ng isang Police Col. Mendoza sa mga opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) si Ricky Cadavero matapos ang press conference sa Camp Crame.

Ikinatuwiran aniya ni Mendoza sa grupo ni NBP Supt. Benjo Tesoro na wala pang opisyal na paglilipat ng kustodiya kay Cadavero kaya dadalhin muna nila ito sa Dasmariñas, Cavite para isailalim sa inquest proceedings.

Nagtataka rin ang kalihim kung bakit matapos ang inquest proceedings ay tinangka pang dalhin ng Philippine National Police (PNP) si Cadavero sa Camp Vicente Lim sa Laguna.

Binigyang-diin ni De Lima na isa itong malaking sampal sa gobyerno dahil nagkaroon na ng turn-over ceremony bago pa nasawi si Cadavero.

Maaalala na nadakip si Cadavero noong Biyernes ng umaga sa Dasmariñas kasama ang isa pang napatay sa nangyaring ‘agaw baril’ incident.

Samantala, nakatakas si Cadavero sa NBP noong Disyembre 08, 2012.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.