De Lima, ‘Di takot sa mga Senador na Dawit sa Pork Barrel Scam

HINDI PA rin nakukumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Attorney Leila de Lima bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Kabilang sa mga may hawak ng kapalaran ni De Lima sa CA ang ilang mambabatas na posibleng dawit sa P10 bilyong pork barrel fund scam na kanyang tinututukan.

Gayunpaman, hindi natatakot si De Lima bagkus ay umaasang magiging patas ang mga mambabatas sa pagdedesisyon kaugnay ng kanyang kumpirmasyon sa kagawaran.

“We can always appeal to their sense of fairness. Why would they take it against me? I’m simply doing my job. Meron ba akong kasalanan dito?”

Sa kasalukuyan, patuloy na pinagtitibay ng DOJ ang kaso laban sa tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

Samantala, posible namang makasama sa mga kakasuhan ang ilang senador na nagbigay umano ng pondo sa mga pekeng organisasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.