De Lima, dapat sundin ang korte suprema

DAPAT UMANONG SUNDIN ang desisyon ng Korte Suprema na nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) sa watchlist order ng gobyerno laban kay dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ito ang ipinahayag ng constitutional lawyer na si Homobono Adaza sa mga mamamahayag sa isang ambush interview sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Bagama’t kung siya rin lang ang masusunod, hindi umano papayag si Adaza na makalabas ng bansa si Pampanga Cong. Arroyo. Pero dahil nga ang decision ng Korte Suprema ay ‘immediately executory’ o agarang pagpapatupad, dapat lang na payagan si CGMA na magpagamot sa ibang bansa.

Ayon pa kay Adaza, na nakuhanan ng pahayag nang bumisita ito sa isang kliyente sa nasabing ospital, “There is already an order of the Supreme Court. Now, the Supreme Court ahould be obeyed because if we do not even obey our courts, what’s going to happen to the rule of law?”

Samantala, hiniling naman ng mga Arroyo sa Korte Suprema na patigilin ang Department of Justice sa pagpigil sa kanila na ma-kabiyahe palabas ng bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.