De Lima, Binale-wala ang Demanda Kaugnay ng Ortega Case

BINALE-WALA LANG ni Justice Secretary Leila De Lima ang demandang indirect contempt laban sa kanya kaugnay sa Ortega murder case.

Sinabi ng kalihim na ihabla na lang siya pero hindi niya puwedeng isantabi na lang ang paghahabol ng hustisya sa pagpatay sa environmentalist na si Gerry Ortega at maging sa iba pang kaso.

Hindi rin aniya siya puwedeng takutin sa kanyang paggamit ng kanyang kalayaan sa pagpapahayag.

Inihayag ni De Lima na siya’y may kalayaan para ihayag ang kanyang pagkadismaya hinggil sa kinahinatnan ng kaso sa Appelate Court.

Una nang hiniling ng mga abogado ni dating Palawan Governor Joel Reyes sa Court of Appeals na hatulang guilty sa kasong indirect contempt at parusahan ang kalihim matapos nito umanong akusahan ang korte ng pagki-ling.

Samantala, ito’y kasunod ng pagdeklarang invalid ang ikalawang panel of prosecutors na nagdiin sa petitioner sa kasong pagpaslang kay Ortega noong 2011 sa Palawan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.