De Lima: Bangayan, dati nang umamin na siya si David Tan

MATAPOS ANG makailang ulit na pagtanggi, lumabas na dati nang umamin si Davidson Bangayan na siya ang pinaghahanap na smuggling king na si “David Tan.”

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima matapos makipagpulong kay Federation of Philippine Industries President Jess Arranza.

Ayon kay De Lima, ang pag-amin ay base sa complaint affidavit ni Bangayan kontra kay Arranza.

Tinutukoy nito ang kasong libelo ni Bangayan laban sa FPI president noong 2005 kung kailan may reklamo ang isang Singaporean firm laban sa lokal na kumpanya ni David Tan.

Nakatakda namang i-turnover ng kalihim ang mga dokumento ni Arranza sa National Bureau of Investigation (NBI).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.