De Lima at ‘rice smuggling king’, nagharap

NAKIPAGKITA KAY Justice Secretary Leila De Lima si Davidson Bangayan o David Tan na siya umanong utak ng rice smuggling sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ng kalihim sabay detalyeng kasamang nagtungo ni Bangayan sa kanyang tanggapan ang abogado nito.

Pinabulaanan naman ni Bangayan na siya si David Tan na financier ng mga pekeng kooperatiba na nakaka-corner ng rice import permits sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Ayon kay De Lima,  iimbestigahan pa nila ang nasabing pahayag na ito ni Bangayan.

Una nang kinumpirmna ng kalihim kamakailan na iisa sina Bangayan at Tan, base sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI).

Inamin ni Bangayan na siya ang nasa litrato sa ulat ng NBI noong Biyernes ngunit hindi aniya siya ang pinaghahanap na “David Tan”.

Aminado din si De Lima na hindi nila maaaring hulihin si Bangayan dahil walang konkretong kaso laban dito.

Nangako naman si Bangayan na makikipagtulungan sa pagsisiyasat.

Inihayag pa ng kalihim na ‘under arrest’ na ng NBI si Bangayan.

Una nang naireport na isang dating opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang nagsabing nakapagbigay ng P6 bilyon si Tan sa mga opisyal at empleyado ng kawanihan kapalit ng pagpupuslit ng mga imported na bigas mula sa iba’t ibang pantalan sa nakalipas na dalawang taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.