DBM, ibinida ang mas mataas na IRA ng LGUs

IBINIDA NG Department of Budget and Management (DBM) na umaabot sa 37.5-porsyento ang magiging pagtaas sa internal revenue allotment (IRA) ng mga local government unit (LGU) sa taong 2013 na isang election year.

Sinabi ni Budget Secretary Butch Abad na ito’y dahil sa masiglang pangongolekta ng buwis ng mga ahensya ng gobyerno.

Mula P219.9 bilyon noong nakarang taon, aabot na ito sa P302.3 bilyon ngayong 2013 na ipamamahagi sa mahigit 80 lalawigan, 1,600 lungsod at munisipyo at mahigit 41,000 barangay.

Sa kauna-unahang pagkakataon, kabilang sa mga tatanggap ng IRA ang Dinagat Island.

Ayon pa rin kay Abad na ito’y makaraang magpalabas ng desisyon ang Korte Suprema noong Oktubre 24 kung saan kinatigan nito ang constitutionality ng Republic Act (RA) 9355 na lumilikha sa Dinagat Island bilang ganap na lalawigan.

Samantala, una nang idinipensa ni Akbayan Partylist Representative Kaka Bag-ao ang pagtanggap niya ng kabuuang P140 milyong pork barrel bilang caretaker ng lone district ng Dinagat matapos palitan si convicted killer Ruben Ecleo.

Gagamitin aniya ang pondo para sa mga proyekto ng probinsiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.