DBM, Dumistansya sa Budget Issue ng Senado

HINDI PAKIKIALAMAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang usapin ng paggamit ng pondo ng Senado.

Ito’y kasunod na rin ng lumalalang bangayan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senate Minority Leader Alan Cayetano kaugnay ng pamamahagi ng maintenance and other operating expenses (MOOE) at umano’y cash gifts.

Sinabi ni Budget Secretary Butch Abad na kasama ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa Switzerland, na isang collegial body ang Senado kaya ang mga mambabatas ang nag-aapruba ng kanilang budget.

Saklaw aniya ng Commission on Audit (COA) ang paraan ng paggastos sa Senado.

Una nang sinabi ng Malacañang na suportado nila si Cayetano sa mungkahing pribadong sektor ang bumusisi sa gastusin ng mga senador.

Samantala, sinabi rin ng COA na walang paglabag sa batas ang ginawa ng pangulo ng Senado, partikular ang diskarte sa pamamahagi ng MOOE.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.