Dayong Estudyante, Patay sa Lunod

PATAY ANG isang second year high school student na dumayo sa Dagupan City matapos malunod habang naliligo sa Tondaligan beach.

Kinilala ang nasabing biktima na si Jessie Waje, 2nd year high school at residente sa bayan ng Bamban, Tarlac.

Base sa report  mula sa mga kinauukulan, nagpunta umano ang biktima sa beach sa bahaging Bonuan Gueset upang maligo sa dagat.

Hindi na ito nakabalik pa ng pampang ma-tapos na matangay ng malakas na alon.

Samantala, agad na isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital matapos itong matagpuang walang malay ngunit binawian rin ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.