Dayaw Festival at Indigenous Peoples Month Kaagapay ng NCCA at PTRI-DOST

GINAGANAP NGAYONG buwan ng Oktubre ang pambansang buwan ng katutubo o Indigenous People’s Month at Dayaw Festival na pinangungunahan National Commission for Culture and the Arts (NCCA), kaagapay ang Philippine Textile Research Institute (PTRI) ng Department of Science and Technology (DOST).

Batay sa panayam kay NCCA Commissioner Joycie Dorado Alegre, ika-walong taon na ng pagdiriwang ngayong taon kung saan inaasahang makikibahagi sa pagdiriwang ang 64 na representante ng mga katutubo buhat sa 32 bansa kasama ang ating 51 indigenous tribes sa buong bansa at gaganapin ang ngayong Nobyembre sa Leyte ang sentro ng pista.

Noong mga nakaraang pagdiriwang ng Dayaw, ipinamalas ng mga katutubo ang kanilang mga sayaw, pagkain at mga gawang likhang kamay. Ngunit ngayon ayon kay Alegre, pagtutuunan ng pansin ang mga kasuotan at isang fashion show ang magaganap gamit ang mga katutubo at tradisyunal na likha, habi at tahi.

Kaugnay nito, ang Philippine Textile Research Institute ng Department of Science and Technology ay nag aaral rin kung paano magagamit pang-komersyal ang mga katutubong habi at katutubong fiber upang magawa itong mga damit at pormal na kasuotan.

Hindi lang gusi, pinya at abaca ang gamit na katutubong fiber na inaral ng PTRI ngayon dahil nang nakaraang pagdiriwang ng National Science and Technology Week suot ng karamihan sa mga dumalo ay gawa sa barong at coat na gawa sa Water Hyacinth at saluyot fiber.

Inaasahan naman ng NCCA na ang pag aaral ukol sa mga katutubong tela ay maaaring makatulong upang maiangat ang kalidad ng likha ng mga katutubo na kasama sa kanilang schools of living tradition.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.