Dayaan sa 2004 elections, kinumpirma ng isa pang Sharia Court Judge

KINUMPIRMA NG ISA pang dating Sharia Court Judge ang operasyon ng dayaan sa halalan sa Mindanao upang ipanalo ang kandidatura noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kasabay ng pagsisiyasat ng Senado sa umano’y dayaan sa halalan, pinagtibay ni dating Sharia Court Judge Casan Ali-Limbona na siya ang inatasan ni dating Sharia Court Judge Nagamura Moner na hanapin si dating Sultan Kudarat election supervisor Lintang Bedol upang manipulahin ang resulta ng halalan.

Inamin din ni Limbona na tumanggap siya ng P50,000 mula kay Moner upang gamiting panggastos para hanapin si Bedol.

Katunayan, nag-usap umano sila ni Bedol sa Koronadal City at inalok niya ng P5 bawat boto na lamang ni Arroyo laban sa mga kalaban sa halalan.

Sa pagsisimula ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee kasama ang committee on electoral reforms, boluntaryong dumalo si Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes.

Layunin ni Brillantes sa kanyang pagdalo ay ang pagbigay sa committee ng mga dokumentong may kinalaman sa kontrobersyal na 2004 presidential elections.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Moner, dating airport manager Alfonso Cusi, Bedol at dating T/Sgt. Vidal Doble.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.