Day Care Center-Navotaas-Homes , Pinasinayaan

PINASINAYAAN KAMAKAILAN ang itinayong bagong Day Care Center mula sa puso ng Navotaas Homes-Tanza, ang kauna-unahang Socialized Housing project sa nasabing lungsod sa pakikipagtulungan ng Mitsui O.S.K. Lines, Ltd at sa koordinasyon ng Habitat for Humanity Philippines.

Limampung mga bata mula sa bagong komunidad ang napili bilang unang pangkat na mga mag-aaral ng Move.Org, isang pribadong organisasyon na nagtataguyod ng kabutihan at kahalagahan ng edukasyon para sa panibagong pag-asa .

Ikinatuwa naman ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, na sa pamamagitan ng kanyang pagpupursige na matupad ang naturang proyekto ay naging matagumpay ito at nakakuha siya ng suporta mula sa iba’t ibang sektor ng gobyerno lalo na sa mga pribadong sektor.

Ilan sa mga ito ay ang pakikisama ng Japanese, isa na rito ang MOL na nakapagtayo ng 13 bahay at day care center sa Navotaas Homes.

“We also thank Move.Org for providing the curriculum, teachers, learning materials as well as uniforms for our children in the community as we do not only want to give them new homes, but also build new lives,” dagdag pa ng alkalde.

Dumalo sa nasabing okasyon si Mr. Junichi Nagata, General Manager ng  MOL, upang personal na iabot sa mga bata ang mga school bags na may kasamang kagamitan pang-eskuwela na kung saan sa mismong pasinaya ay nagsimula ang klase.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 543 bahay ang Navotaas Homes – Tanza , sa pamamagitan na rin ng kontribusyon ni Navotas Cong. Toby Tiangco.

At aasahan, sa darating na taon magiging 1,380 ang bahay na maitatayo at malilipatan para sa mga nakalaang benipisyaryo.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.