Dawn Zulueta, kuntento na sa kanyang buhay at wala nang hahanapin pa

Dawn-ZuluetaSOBRANG EXCITED daw si Dawn Zulueta na showing na sa August 12 ang pelikula nila nina Richard Gomez at Bea Alonzo na The Love Affair. Sa istorya, mag-asawa sila ni Goma na magkakaroon ng problema sa kanilang pagsasama hanggang may mabubuong love triangle sa kanilang tatlo ni Bea.

In real life, masaya at matatag ang pagsasama nila ng husband niyang si Congressman Anton Lagdameo with their two kids. Pero nagawang maging very convincing ni Dawn sa kanyang role as a wife na magkakaroon ng kaagaw sa kanyang husband.

Although hindi naman nga niya naranasan, sa kanyang palagay… why do couple drift apart? “Mahalaga kasi ang communication. Kapag hindi na kayo nagku-communicate at hindi na siguro kayo nagsi-share ng mga loves ninyo, you tend to drift apart. Parang it’s like you’re still growing, but you’re growing apart. ‘Yon siguro, sa opinion ko.”

Nananatiling younger looking at blooming lagi ang beauty ni Dawn. Sabi ng aktres, masaya raw kasi siya at kuntento sa buhay niya ngayon. Kumbaga, she feels complete daw at wala nang anumang puwedeng hanapin o hilingin pa.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleJanice de Belen, okay lang makasama si Priscilla sa bagong serye
Next articleAiko Melendez, feeling teenager

No posts to display