Dawn Zulueta at Bea Alonzo, nagpasilip ng mabibigat na eksena sa trailer ng pelikula

Bea-Alonzo-Dawn-ZuluetaDALAWANG MABIBIGAT na eksena ang ipinasilip sa on-line trailer ng The Love Affair na showing na sa August 12 starring Dawn Zulueta, Richard Gomez, and Bea Alonzo. Ito ay ang malutong na pagmumura ni Bea sa boyfriend niya played by Tom Rodriguez at ang pagpapahipo naman ng suso ni Dawn kay Goma.

Hindi mapapanood ang dalawang matinding eksena sa trailer sa mga sinehan at sa telebisyon. Ayon kay Goma, sinadyang sa online inilagay ang naturang part, dahil mas marami talagang nanonood dito. At least, wala nga namang censorship sa online, huh!

Hindi rin ipinakita sa trailer ang mga intimate moments nina Goma at Bea na first time nagsama sa pelikula. Basta, abangan na lang daw ito ng moviegoers dahil matindi raw ang eksena.

Samantala, matindi ang paghanga ni Bea kay Dawn na at her age ay napakaganda pa rin at parang beauty queen kung sumagot. Sey pa nga ni Bea, “I wanna be like her someday.”

Maging si Goma ay naalala rin na ang kagandahan at intelligence ni Dawn ang lutang na katangian nito sa ilang mga nakarelasyon niya in the past.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleBarbie Forteza, ayaw magkaroon ng debut
Next articleRichard Gomez, na-excite sa ‘maselang’ eksena nila ni Dawn Zulueta sa pelikula

No posts to display