Dawn Jimenez, kinalasan ni Albie Casiño dahil nakipagkangkangan kay Gerald Anderson

MATAPOS ANG mainit na sex scene kay Gerald Anderson ng indie film actress na si Dawn Jimenez sa On The Job, pinag-uusapan na ngayon ang baguhang mestisang actress. At dahil marami nang interesado ay nakalkal tuloy ang lovelife nito.

Hindi naman itinago ni Dawn na naging boyfriend niya si Albie Casiño, ex-boyfriend ni Andi Eigenmann at ibinulgar na pinagbawalan daw siya ni Albie na gawin ang love scene kay Gerald. Pero ‘di niya raw sinunod ang boyfriend kaya nakipag-break daw sa kanya si Albie na kanyang tinanggap kahit masakit sa loob.

“Matindi ang selos niya (Albie) kay Gerald. Inakusahan pa ako na nakikipagpalitan ng text kay Gerald na wala namang katotohanan. Hindi naman kami ganoon ka-close ni Gerald para makipagpalitan ng text,” say ni Dawn.

Hindi na hinabol pa ni Dawn si Albie dahil napagtanto raw niya na mahirap makipagrelasyon sa isang taong walang suporta sa kanyang career. Importante raw kay Dawn ang kanyang showbiz career kaya pinabayaan na lang niyang mawala nang tuluyan ang lalaking kanyang minahal na tumagal ng isang taon at dalawang buwan.

Worth it naman daw na mas pinili niya ang On The Job kaysa kay Albie dahil naipalabas pa abroad ito at nanalo pa ng awards sa international film festival kung saan nagwaging Best Actor si Joel Torre.

Masakit man sa loob niya nang magkahiwalay sila ni Albie ay wala siyang magagawa, ayaw naman daw niyang i-compromise ang showbiz career dahil lang sa kagustuhan ng boyfriend.

Loveless pero masaya si Dawn sa pagpasok sa showbiz dahil nakasama niya sa movie sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Joel Torre, Shaina Magdayao, Angel Aquino, Rayver Cruz, atbp sa direction ni Erik Matti.

 

Sa galit sa Pamilya Santiago

Sherilyn Reyes, ikinaloka ang pagdawit sa kanya ni Claudine Barretto

 

IKINAGULAT NI Sherilyn Reyes nang banggitin ang pangalan niya nang magpa-interview si Claudine Barretto tungkol sa galit sa pamilya ng extranged husband na si Raymart Santiago.

Sa mga hindi nakakaalam, si Sherilyn ay ikinasal sa kapatid ni Raymart na si Jun Jun Santiago pero matagal nang hiwalay at may kanya-kanya na silang buhay ngayon. Ikinasal muli si Sherilyn sa longtime boyfriend na si Chris Tan last December at nagkaroon sila ng dalawang anak, samantalang may isang anak naman si Sherilyn kay Jun Jun na si Paoei na mag-aartista na rin sa bakuran ng ABS-CBN.

Pinagdiinan ni Sherilyn, nagkahiwalay sila ni Jun Jun, pero ‘di nawala ang respeto niya sa pamilya ng Santiago dahil naging mabait naman daw sa kanya ang mga ito.

Ngayon ay maayos naman ang relasyon niya sa kanyang ex-husband. Katunayan, ‘yung pagpasok nga raw sa showbiz ng anak nila ay may blessing ni Jun Jun. At hindi raw siya gumagawa ng desisyon sa kanyang panganay na anak na hindi alam ng ama.

Ayaw madamay ni Sherilyn sa away na nangyayari ngayon sa pagitan nina Claudine at ng mga Santiago. Basta siya ay walang problema sa pamilya Santiago at maayos ang communication ng anak niya sa ama nitong si Jun Jun.

 

Janno Gibbs, biktima rin ng bashers

 

INAMIN NI Janno Gibbs na biktima rin siya ng panlalait ng mga basher sa Instagram. Isa nga sa paninira sa kanya ay laging late at tumataba.

“Yes, nasasaktan ako minsan pero ‘di ko na lang pinapansin. Kaysa patulan, dedmahin mo na lang,” say ni Janno.

Thankful na lang siya sa mga anak na sina Alyssa at Gabrielle at kapatid na si Melisssa Gibbs na ipinagtatanggol siya sa bashers.

Hindi na raw siya nali-late ngayon sa taping ng Pyra, Babaeng Apoy sa role na gay teacher. Hindi naman daw naging problema kay Janno ang role na isang gay. Tinanong daw muna niya kung dapat maging gay ang role niya kasi raw ay aampunin niya si Pyra, played by Thea Tolentino, para ‘di raw magkaroon ng malisya kaya ginawa siyang bading na Sir Aldan.

Samantalang, nami-miss na raw niya ang kaibigang matalik na si Ogie Alcasid dahil hindi na niya nakakasama sa show sa GMA-7, dahil nasa TV5 na ngayon.

Wala raw siyang balak sundan si Ogie dahil happy naman daw siya sa GMA. Spoiled nga raw siya sa ginagawang pag-aalaga sa kanya ng network na sa kabila ng kanyang katabaan ay hindi siya nawawalan ng project.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

One thought on “Dawn Jimenez, kinalasan ni Albie Casiño dahil nakipagkangkangan kay Gerald Anderson