David Bunevacz, tetestigo para kay Vhong Navarro

David-BunevaczBABALIK DAW ng ‘Pinas si David Bunevacz na naka-base ngayon sa America at ang kanyang pamilya.

Matatandaang biglang nagdesisyon si David at wife na si Jessica Rodriquez na umalis ng bansa dahil sa kinasangkutan nitong controversial na gulo.

Sabi, ito raw diumano ay dahil sa hindi magandang nangyari sa dating star athlete na diumano ay nakaranas din daw ng ‘di maganda kay Cedric Lee. Tulad din daw ni Vhong Navarro, naranasan din daw ito ni ni David na ang itinuturo rin daw na kalaban ay si Cedric.

Nangako raw ang husband ni Jessica na babalik ng ‘Pinas para tulungan si Vhong sa kaso. Nakahanda raw itong tumestigo pabor sa bagong biktima.

Ngayon pa lang daw ay marami na ang natutuwa kung totoong babalik ng ‘Pinas si David para ikuwento rin ang kanyang karanasan kay Cedric.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “David Bunevacz, tetestigo para kay Vhong Navarro

Leave a Reply

Your email address will not be published.