David Bunevacz at Jessica Rodriguez, tinutugis ng Interpol?

Isang source sa NBI ang nagsabing nasa wanted list na raw ng Interpol ang mag-asawang David Bunevacz at Jessica Rodriguez na ngayon ay nagtatago sa Amerika.

Matatandaan na noong 2008 ang mga business partners ng dalawa sa Beverly Hills 6750 Cosmetic Surgery and Skin Institute (BHCSSI) sa Makati City ay nagsampa ng kasong estafa laban sa kanila.

Si Tyrone Ong, isa sa mga business partner nina Bunevacz at Rodriguez sa BHCSSI ang nagsabi noon sa SHOOTING RANGE na umaabot sa P60 million ang dinispalko ng mag-asawa sa kanilang kumpanya.

Pero napag-alaman ng SHOOTING RANGE na hindi lang pala ang mga partners nila sa BHCSSI ang naloko ng mag-asawang celebrity kundi marami pang iba. Kasama umano sa mga taong naghahabol ngayon sa dalawa ay mga Filipino at British nationals na naakit nila na mag-invest sa isang bogus mining business. Mahigit kalahating bilyon din daw ang naloko ng mag-asawa mula sa mga taong ito.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw na raw bumalik nina Bunevacz at Rodriguez dito sa Pilipinas dahil sa patung-patong nilang atraso sa maraming tao na naghahabol sa kanila at gusto silang ipaaresto.

Ngunit hindi lahat ng naloko nina Bunevacz ang gusto silang makitang nakakulong. Ayon kay Tyrone, hindi siya maghahabol kay Bunevacz at Rodriguez sakali man daw bumalik ng bansa ang mga ito dahil parang kapamilya na raw ang turing niya sa dalawa. Inaanak daw nina Bunevacz ang kanyang bunsong anak samantalang inaanak naman niya ang bunsong anak nina Bunevacz.

Ayon pa rin sa source, ang huling namonitor ng Interpol na pinagtataguan umano nina Bunevacz at Rodrigues ay sa isang bahay sa Brentwood sa California. Binili raw ng dalawa ang bahay na ito ng mahigit $2 million.

Magarbo daw ang lifestyle ng mag-asawa sa California at mga exotic cars ang nakikitang mga minamaneho nila tulad ng Ferrari at Lexus SUV na nabili mula sa pandarambong.

Big time na nga itong si Bunevacz at nasa big league level na siya – ng mga mandarambong nga lang!

Maraming taon na ang nakakaraan si Bunevacz ay isang pipitsugin istapador lamang. Nang mga panahong iyon, mga beer house at KTV club lamang ang kanyang mga winawantutri.

Isang waiter at guest relations manager ng isang KTV club sa Quezon Avenue sa Quezon City ang nagsumbong sa inyong lingkod noon dahil tinakasan umano ni Bunevacz ang P4 thousand na bill nito na kinabibilangan ng mga inumin, pulutan at time-in ng ka-table niyang GRO. Nagsumbong noon sa mga barangay tanod ang naturang mga empleyado ng nasabing club.

Tsk, tsk, tsk. Sobrang asenso at sosyal na nga itong si Bunevacz dahil kung noon ay mga barangay tanod lamang ang tumutugis sa kanya ngayon ay mga taga-Interpol na.

*  *  *

Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0917-7-WANTED. O tumawag sa aming landline hotlines na 882-2374, 882-2376 at 882-2378. Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 558 khz DZXL tuwing 2pm-4pm, Lunes hanggang Biyernes. Ang WSR Action Center ay matatagpuan sa 4th Floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe, Makati City.

by Raffy Tulfo
Shooting Range

loading...

16 thoughts on “David Bunevacz at Jessica Rodriguez, tinutugis ng Interpol?

  1. MAGANDA NAMAN SIYA HA PERO NAKA BOLD EH PANTE LANG NA ORNGE YUN ATA PERRRRRRRO HINDI KO ALAM PROMMMMMISE^_^

  2. I did my research. It’s absolutely true. The truth will definitely surface, just wait and see. Of course ABS-CBN will deny it. Cory Aquino is the reason they still exist. They will defend Cory’s children at all cost. Did you watch carefully Noynoy’s face when asked about this psychiatric issue? He is almost losing it. His demeanor explains itself.

    How would you like to have a DROOLING (tumutulo and laway) president? DEFINITELY NO!!!

    I am not a Villar supporter. I am a Filipino who only wants what’s best for my country.

  3. Nabasa nyo na ba ang pinakabagong balita ngayon naPsychiatric record ni Noynoy galing sa Ateneo? Hanapin nyo sa internet basta i type nyo lang sa search ang “Noynoy sira ulo” OR “Noynoy psychiatric record” tapos mamili nalang kayo ng websites.
    Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital
    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may topak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

  4. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ

  5. Masarap pa naman siguro sana ‘tong si David ba’t hindi na lang nagbenta ng laman. Marami’ng bibili na gay billionaires. lol

  6. It’s in the Seattle Times. David is involved in some fiasco related to Olympic Tickets. Try to google it.

Leave a Reply

Your email address will not be published.