David Archuleta, perhuwisyo sa production?!

TOTOO NGA kayang hinamon ni KC Concepcion ang Star Magic na alisin si Piolo Pascual sa kanilang roster of talents para hindi siya magsalita tungkol sa kanilang separation?

Kami, parang hindi naniniwala sa tsikang ito dahil obvious bang hindi si KC ang pipiliin ng Star Magic.

Anyway, nag-birthday kamakailan si Piolo and it seems that KC greeted him in passing sa kanyang Twitter account when she greeted all the January birthday celebrators.

 

HANGGANG NGAYON, iniintriga pa rin ang pag-arte ni Ejay Falcon na bida sa Mundo Man Ay Magunaw ng ABS-CBN.

“Actually, natututo naman po ako sa mga direktor ko at kasama kong artista. Tuwing kasama nila ako sa eksena, lagi nila akong binbigyan ng advice. Mababait po silang lahat. Nakikinig lang po ako sa kanila at alam ko sa sarili ko na natututo po ako,” paliwanag ng aktor nang matanong kung may natutunan siya sa cast members ng soap niya.

To the rescue si Eula Valdes at sinabing may potential si Ejay sa pag-arte.

“Kasi nag-workshop kami. Siguro ngayon medyo takot pa siyang ilabas kung ano ‘yung galing niya, pero kahit hindi pa po ipaarte ‘pag tingnan mo lang siya ang lalim-lalim niya. Hindi ko alam kung ano ang background niya pero parang ang dami niyang ilalabas kung pipilitin lang niyang ilabas. Malaki ang potential niyang maging magaling na artista.”

Siyempre, nagpasalamat si Ejay sa praise na ibinigay sa kanya ni Eula.

“Thank you Ms. Eula. Mas lalo kong pagbubutihan para mas maganda ‘yung project natin na pagsasamahan,” sabi pa ng binata.

 

UNTIL NOW, hindi pa rin nag-sink in kay Matteo Guidicelli na bida na siya sa movie at kasama pa ang  girlfriend niyang si Maja Salvador sa My Cactus Heart.

“Parang hindi ko ma-explain na mangyayari ito sa buhay ko,” sabi ng aktor.

He also cannot believe his luck na magiging girlfriend niya si Maja.

“Dati, crush ko talaga si Maja, tapos hindi talaga ako naniniwala na maging kami. Nakikita ko pa siya sa billboards dati.”

When asked kung ano ang reaction niya sa perception ng tao na parang mas mahal niya si Maja kaysa sa mahal siya nito, Matteo explained, “I’m the more vocal one. She doesn’t say much but she does it. Nakikita ko talaga ang effort niya.”

Sabi ni Maja sa isang interview ay sana si Matteo na ang magdala sa kanya sa altar.

“Flattering. Very flattering. Si Maja kasi hindi sinasabi ‘yan sa  publiko. Marami pa kaming pangarap sa buhay. I will be beside her,” esplika pa ng bida ng My Cactus Heart. 

 

MUKHANG MAHIHIRAPAN ang TV5 kay David Archuleta sa taping ng kanyang soap.

Ang tsikang nakarating sa amin, nakailang takes daw ang singer bago na-perfect ang isang simpleng eksena.

Kauna-unawa naman ito lalo pa’t ito ang first time ni David sa pagsabak sa pag-arte. Pero kung ganito nang ganito, aba, malaking perhuwisyo ‘yan sa production. Tatagal ang taping kung kahit na paulit-ulit ang rehearsals at takes ay hindi pa rin makuha ni David ang tamang pag-arte at pagbitaw ng dayalog.

Pero ang bait-bait daw ni David sa set. Wala itong ere at very cooperative.

Si David ba ang magsasalba sa naghihingalong rating ng mga soap opera ng third station sa bansa? We highly doubt it.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

11 thoughts on “David Archuleta, perhuwisyo sa production?!

  1. ang daming floptsina ng star sinama ngayon ah. kinakarma dahil sa pambubully sa ibang producers sa pamamagitan ng pambubuwakaw nila ng mga sinehan para puro palabas lang nila panuorin. tama ba ko malou santos at kris aquino? hmmm…..

  2. si angel laosian deep?patawa kayo? ipapares kay archie? e laos na yon e. puwede pa nanay nya o tita si angel laosin. bwahahahahahahaha anglel buloksin in a special mother role with david archuleta. puwede!

  3. SINGER kc si David noh, hindi artista! mga ugok kayo dyan! at KC, sinu ka para maghamon??? si willie r.? hahahahaha lintek kang maskuladang bakla kah!

  4. Kung gusto ng TV 5 ma-highlight si David Archu, dapat isang musical show ang binigay nila sa bata.

    Yun lang.pakk!

  5. mahal singel sa kuryente ng meralco tapos kinakain na load ng smart yan ang mga pinambabayad ni MVP sa mga talent ng tv5 bwisettttttttttttttt

  6. Naiingit ba ang ABS dahil meron David Archuleta sa TV5? Para ipasulat pa sayo na ikakasira ni David? Mahiya ka naman………… Dapat hindi sinisiraan kung meron man sikat sa kalabang network para patas ang laban, hindi dapat sinosolo lang ng isang channel ang kasikatan ng network nila, kasuwapangan ang tawag dun. Para ano pa ang labanan sa ratings? 

  7. Congrats sa hit na A Mother’s Story! Napakaganda at de kalidad talaga ang films ng Star Cinema. Congrats in advance sa My Cactus Heart. For sure blockbuster na naman yan. Sobrang swerte na yan, back-to-back-to-back-to-back mega hits na movies! Keep it up, Star Cinema!

  8. NAKU NAMAN AFTER ” A MONSTER’S LOVE” NI POKWANG ASWANG NA SUPER-DUPER FLOP, HETO NA NAMAN ANG STARIRAY SINEMA AT SUMABAK NA NAMAN SA ISANG SURE NA ULTRA-MEGA-SUPER-DUPER-OVER FLOP NA MOVIE NA “MY CACTUS JACK”…….HETO LANG ANG FORMULA NIYAN : MAJA “WALANJO(ga) BLANCA + MATTEO PANDAK HUNK = DISASTER!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!MAPECON MAG READY NA KAYO AT FOR SURE IPAPATAWAG KAYO NG MGA SINEHAN DAHIL MAPUPUNO SILA NG LAMOK, LANGAW, BANGAW AT PESTE INSTEAD NA MOVIE GOERS………….MGA FLOPSTERS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.