David Archuleta, naintrigang bading dahil kay Charice Pempengco!

NAG-TEXT SA AKIN ang isang kaibigang naka-base sa New Jersey at tuwang-tuwa sila kay Charice Pempengco dahil sa naging paborito na raw ng mga bading doon sa Amerika.

Kamakailan lang ay nag-perform siya sa isang gay club sa New York para i-promote ang single niyang “Pyramid” na nasa no. 7 na raw sa Billboard.

In fairness naman kasi, sa lugar na ‘yun ay madalas na pinag-perform ang mga up and coming recording artist na hit na hit sa mga kabadingan doon.

Naging isyu lang ang pag-perform doon ni Charice dahil sa inimbitahan nito ang kaibigan niyang si David Archuleta na pinagbigyan naman siya. Tuloy lalong lumakas ang pagdududa na baka bading nga itong si David.

Kaagad na nagpaliwanag si David sa Twitter account niyang pinagbigyan lang nito ang imbitasyon ng bestfriend niyang si Charice kaya nandu’n siya. Hindi naman daw sa minamaliit niya ang mga kabadingan dahil marami nga raw siyang mga kaibigang bading, pero hindi raw siya ganu’n.

Nag-sorry naman si Charice kay David at nagpapasalamat itong sinuportahan siya roon kahit naintriga pa.

Pero ang waging-wagi ngayon ay si Charice dahil bago pa iyan nag-perform sa isang gay club sa New York, nakapag-perform na rin iyan noon sa isa ring gay club sa DC at ang susunod ay sa San Francisco naman. Kaya hindi malayong magpi-perform din siya sa Gay Pride doon.

Bongga pa nga dahil malakas din ang grupo ng mga kabadingan sa Amerika. Pero ito naman kasing si Charice ay napagdudahan ding tibo dahil sa panlalaki ang mga hilig nito, kaya tiyak na lalo pa itong maintriga sa kanyang kasarian. Bongga pa rin!

SA SUSUNOD NA linggo na raw ang alis ni LJ Reyes patungong New York para roon iluwal ang magiging baby nila ni Paulo Avelino. Sa July na ang due nito kaya mas gusto ng Mommy ni LJ na doon na siya manganak para mabantayan niya nang mabuti.

Ngayon ay usap-usapan kung ano ang mangyayari sa career nila pagkatapos ng isyung ito.

Kuwestiyunable pa kung makababalik pa ba si LJ pagkatapos niyang manganak dahil ang dami na riyang mga batang artista na puwedeng kunin dahil may anak na siya. Alanganin naman sa kanya ang mga mother role dahil bata pa pa naman siya. Kaya baka ang ending, mga character roles na lang ang maibibigay sa kanya. Masuwerte siya kung makababalik siya gaya nina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion na lalong bumongga ang career pagkatapos nilang manganak.

Malaking challenge ito sa GMA Artist Center kung mame-maintain nilang maganda ang takbo ng career ni Paulo pagkatapos malaman ng mga tao na isa na siyang binatang ama.

Marami ang nagsasabing tiyak na makakaapekto ito sa kanyang career, pero pinagtatalunan pa rin dahil may mga nagsasabi namang mas nakadaragdag daw sa appeal ni Paulo na puwede na pala itong makabuntis. Nagmukhang lalaki raw ang dating na lalong pagnanasaan ng kababaihan.

‘Pag umalis na si LJ pa-Amerika, mananahimik na rin naman ang isyung ito kaya sana hindi ito gaanong makaapekto sa career ni Paulo.

Abangan na lang ang update ng kuwentong ito sa Startalk sa darating na Sabado.

By Gorgy’s Park

Previous articleGuesswhodoes: Precious Lara Quigaman does the ‘Rampang Beauty Queen’
Next articleClickadora: Dyosa Under the Sun! (Anne Curtis)

No posts to display