David Archuleta and Eula Caballero: I’ll Be There For You!

DAVID ARCHULETA

Real Name: David James Archuleta

Birth Date: December 28, 1990

Zodiac Sign: Sagittarius

Symbol: The Archer

Ruling Planet: Jupiter

Quality: Mutable

Element: Fire

Basic Trait: I Perceive

Closest Metal: Tin

Lucky Day: Thursday

EULA CABALLERO

Real Name: Lou Eula May Caballero Simo

Birth Date: May 23, 1995

Zodiac Sign: Gemini

Symbol: The Twins

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Air

Basic Trait: I Think

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

 

ISANG PAMBIHIRANG pagkakataon ang nangyari kamakailan sa bakuran ng TV5. Kung noong una’y napauwi nila ng Pilipinas ang one and only superstar of the Philippines na si Nora Aunor para sa mini-seryeng Sa Ngalan ng Ina, ang American Idol heartthrob naman na si David Archuleta ang kinuha nila para maging bida sa Nandito Ako. Malaki ang fanbase ni David Archuleta dito sa bansa kaya naman marami ang na-excite sa kakaibang proyektong ito.

Si Eula Caballero naman ang grand winner ng Star Factor, ang reality-based artista search ng TV5. Lumabas na ito sa ilang TV shows ng Singko pero ito ang masasabi na biggest project niya bilang lead actress. Kahit baguhan pa sa showbiz, hindi na ito nagpapahuli sa mga kapwa niya prinsesa sa TV5. May Best New Actress nomination na nga siya, eh!

Kahit pa ka-love triangle nila si Jasmine Curtis-Smith sa Nandito Ako, litaw na litaw rin naman ang chemistry sa pagitan nina David at Eula. Hindi ba’t masarap mag-reminisce ng teenage love kapag nasasayt sila onscreen? Kung sakali kaya ay may chance maging together in real-life ang dalawang bagets?

Ang Gemini ay katulad lang ng Sagittarius na interesado sa maraming bagay. Pareho silang palaging handa at determinadong makuha ang kanilang minimithi sa buhay. Hirap sila na lumagi sa iisang lugar o maitali sa company ng pare-parehong tao. Kapag nagsama ang dalawa, siguradong spontaneous palagi ang mga lakad nila at mabibigla na lang ang mga taong kakilala nila kung saan sila mapadpad. Ang ikinaganda nito ay magiging isang malaking adventure ang pag-iibigan nila, pero mas pilosopikal mag-isip ang Sagittarius habang ang Gemini naman ay pa-easy-easy lang.

Hinding-hindi mawawala sa kanila ang magagandang conversations. Pareho silang matalino at trip talaga nilang i-share ang lahat ng nalalaman nila at mag-engganyo pa ng iba na ipaglaban ang kanilang pangarap. May pagkakataon lang na ang Gemini na babae ay natural na habulin ng mga boys, kaya madaling ma-insecure ang lalaking Sagittarius. Pareho sila sa intellect level, pero magkakaroon ng konting problema sa emotional. Kung nanaisin nilang tumagal ang kanilang relasyon, kailangan nilang daanin ito sa mabuting usapan (hindi ma-bote, ha?).

Ayun naman eh… Mukhang may babalikan dito sa Pilipinas ang American Idol heartthrob, ha? Hintayin lang natin na mag-debut si Eula. Malay natin baka sa next album ni pogi, ialay na niya ang awitin kay ganda. Ayiiii ang sweet!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

5 thoughts on “David Archuleta and Eula Caballero: I’ll Be There For You!

  1. She is too young now, she will be 17 soon and she will be of legal legal age in 2 years to come. She is sooooo cute anyway.

  2. Eula is not even of legal age yet! David won’t date her lol
    oh and he’s leaving soon..so…yeah

Leave a Reply

Your email address will not be published.