Davao City, Binaha; Libu-Libong Residente, Inilikas

LIBU-LIBONG RESIDENTE sa Davao City ang inilipat sa evacuation centers dahil sa pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Pinaigting na ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) ang operasyon sa limang lugar na malapit sa Davao River matapos tumaas ang lebel ng tubig doon.

Kabilang sa mga barangay ang Ma-a, Bacaca, Tigatto, Lower Madapo at Labinac.

Samantala, pinakaapektado naman ng baha ang Jade Valley Subdivision sa Barangay Tigatto.

Lagpas-tao naman ang baha roon kaya sa mga bubong na ng bahay naghihintay ng tulong ang mga residente.

Hirap naman itong maabot ng mga rescuer dahil bukod sa lalim at current ng tubig ay nakaharang na ang mga lumulutang na sasakyan sa baha.

Kasalukuyang wala pa ring nai-report na casualty o nawawala sa nasabing lungsod dahil sa baha.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.