Datu at pulis, sugatan sa ambush

 

MULING UMATAKE ang rebeldeng New People’s Army (NPA), kung saan sugatan ang isang datu at isang pulis sa bayan ng Vereula, Agusan del Sur.

Kinilala ang mga sugatan na sina PO2 Vergil Sabuero at Datu Freddie Asuncion na isinugod sa Tagum Medical Center.

Ayon sa inisyal na im-bestigasyon, nabatid na nanggaling sa Brgy. Anitap, Veruela, Agusan del Sur ang isang team ng Agusan del Sur Provincial Public Safety Company ng PNP na pinamumunuan ni Sr. Insp. Lucio Datahan, Jr.

Sinamahan ng kanilang grupo ang mga provincial head of officer sa Agusan del Sur at local government unit ng bayan ng Veruela para sa dagdag na seguridad.

Ngunit pagdating umano sa boundary ng Kilometer 21 at Kilometer 22, Katipunan, pinaputukan sila ng mga rebelde na humantong sa 30-minute encounter sa pagitan ng PNP at kasapi ng Guerilla Front 3 ng Southern Mindanao Regional Command ng New People’s Army.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.