Dating young actor, iniwan ang anak sa dating nakarelasyong rich gay

BLIND ITEM: Isang dating young actor ang iniwan na ang kanyang anak sa isang rich gay na diumano’y nagkaroon sila ng isang relasyon. Hindi na kayang sustentuhan at alagaan ang anak kung kaya’t ipinaalaga na lamang niya ang kanyang anak.

Iniwan na daw kasi siya ng ina ng bata na kinakasama niya. Mabuti na lamang at matino na ang bading at kaya niyang tustusan ang pag-aalaga sa bata.

Hanggang ngayon, nasa madilim na bahagi pa rin daw kasi ang buhay ng ating bida sa ating blind item.

Hay, buhay, minsan nasa itaas, minsan naman ay nasa ibaba.

By Fernan de Guzman

Previous articleAktres, dating nagtatrabaho sa escort service?
Next articleSylvia Sanchez, ‘di naniniwalang may scandal ang anak na si Arjo Atayde!

No posts to display