Dating US veteran, natagpuang patay

NATAGPUAN NG KANYANG mga kapitbahay ang walang buhay na katawan ng isang dating US veteran sa loob ng bahay nito kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Nicolas Bianzon, 84, ng tubong-Tanuan, Quezon at residente ng Blk. 11, Lot 20, Dolmar Subd, Llano ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito.

Ayon sa ulat, pinuntahan ng kanyang mga kapitbahay na si Cirilia Datuin, 48; at Virginia Benedicto, 51, ang biktima sa bahay nito dahil hindi na nila napapansing lumalabas si Bianzon.

Subalit laking gulat ng mga ito nang bumulaga sa kanila ang nakahandusay na katawan ng biktima sa may kusina, kung saan nang tingnan ay walang nang buhay ang matanda na naging dahilan upang agad na itawag sa pulisya.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga rumespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng sugat sa likurang bahagi ng kanyang ulo ang biktima na hinihinalaang pinalo ng matigas na bagay.

Kaugnay nito, patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Dating US veteran, natagpuang patay

  1. Kaya takot akong umuwi sa pinas kahit bakasyon lang. I’d rather go anywhere outside the U.S. than going back home kahit alam ko na marami pa rin magagandang lugas sa pinas na di ko pa napupuntahan.

  2. Ganito na tayo kababa. Maski matatanda, walang awang sinasaktan. Ang buhay diyan sa Pilipinas, para ng manok. Paslangin ka ng kapwa mo, walang paki ang marami. Pati kapulisan, wala namang magawa, God help us.

Leave a Reply

Your email address will not be published.