Dating Teenstar, May Malubhang Sakit!

NATATANDAAN N’YO BA si Jonathan Darca? Ito ‘yung bagets actor na nakilala sa That’s Entertainment (Thursday group) “Mahirap ang kalagayan ko. Malaking halaga ang kailangan ko para sa dialysis ko every week,” pahayag ni Jonathan.

Si Jonathan na masiglang nagsasayaw at kumakanta sa That’s noon ay si Jonathan na mahina at laging malungkot ngayon. “Hindi ko po alam kung saan ako kukuha nang ipambibili ko ng gamot sa araw-araw. ‘Yung mga naipon ko noon, naubos na pong lahat. ‘Yung mga naipundar kong mga gamit, naibenta na. Kaya nga po nakikiusap ako sa lahat ng mga may mabuting puso na sana ay tulungan nila ako. Gusto ko pang mabuhay nang matagal” Sabi pa ng dating teenstar na ngayon ay kung ilang taon nang may sakit sa kidney.

Sabi ni Jonathan na halos araw-araw raw, ipinagdarasal niya na sana ay may mga taong tumulong sa problemang kanyang kinakaharap sa ngayon. “Ang sabi ng doctor, nakuha ko ang sakit na ito dahil sa sobrang hilig ko sa mga maalat na pagkain.”

Si Jonathan ay nakatira ngayon sa Antipolo, Rizal, kung saan ay nakikiusap sa Pinoy Parazzi na sana raw ay maisulat ang kanyang kalagayan. “Hindi na po ako mahihiya. Nananawagan ako na sana po ay maawa naman sila sa akin. Gusto ko pong gumaling at muling makapagtrabaho.” Sabi pa nito sa malungkot niyang linya habang siya ay aming kausap.

Bukod sa That’s Entertainment, nakilala rin si Jonathan sa pelikulang pinagsamahan nila ni Gina Alajar at ng iba pang kilalang aktres. “Ako po ay puwede n’yong tawagan sa 09235568566. At please po, tulu-

ngan n’yo naman ako.” Pagwawakas ni Jonathan.

 

INAMIN NI GABBY Eigenmann na mula nang gumanap siya bilang Desmond sa Munting Heredera, maraming tao na ang nagalit sa kanya. “Minsan nga ay may nanununtok sa aking mga nanay at galit na galit sila sa akin, pero nakatawa naman. I mean masaya sila pero galit sa mga ginagawa ko kina Mark Anthony Fernandez at kay Tita Gloria Romero.”

Marami pang pagbabago sa career na nangyari kay Gabby mula nang siya ay maging Desmond. “Maraming, maraming salamat po sa lahat.”

Sa kabilang banda, masaya si Gabby sa baby girl na isisilang ng kanyang nakababatang kapatid na si Andi Eigenmann. Ayon kay Gabby, kahit walang kikilalaning ama ang kanyang pamangkin, hindi iyon kabawasan sa kanilang pamilya. “Ang mahalaga, dito ay naging matatag si Andi at nasa likod niya kami para siya suportahan.”

Handang handa na raw ang mga Eigenmann sa pagdating ng isisilang ni Andi.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.