DATING TEENAGE STAR, NAANAKAN NG KANYANG ABOGADO?!

ISANG E-MAIL ANG natanggap namin tungkol sa umano’y panganganak ng isang dating teenage star na nakilala noong late 80s at naging miyembro ng sikat noong That’s Entertainment. Ayon sa e-mail, ilang buwan umanong nagtago ang nasabing teenage star, at nito lang November 2010 ipinanganak ng aktres ang kanyang ikalawang anak.

Inilihim ng dating teenage star ang kanyang pagbubuntis at pa-nganganak dahil iba umano ang ama ng kanyang second child. Hiwalay na ang dating teenage star sa ama ng kanyang unang anak, at kasaluku-yang pinag-uusapan sa korte ang custody ng kanilang anak.

Sabi pa sa e-mail, ang ama ng ikalawang anak ng dating teenage star ay ang mismong tumutulong sa kaso nito. Professor daw ni dating teenage star ang nasabing lalaki noong nag-aaral pa ito sa college.

Kilala ang ama ng ikalawang anak ni teenage star, dahil madalas itong kumandidato sa local position sa isang probinsiya sa Luzon, kasing-dalas ng pagkatalo rin nito. Sabi pa sa kuwento sa e-mail, isa lang si dating teenage star sa napakaraming ‘live-in partners’ ng nasabing lalaki. At ang kasalukuyang ‘girlfriend’ nito ay anak ng isang mayor sa isa pang probinsiya sa Luzon din.

Napapayag umanong maging isa sa mga ‘live-in partner’ ng lalaki si dating teenage star dahil na rin sa pangako ng lalaki na hindi makukuha ng unang partner ni dating teenage star ang una niyang anak. Pinangakuan din u-mano si dating aktres na poproteksiyunan siya nito mula sa pamilya ng kanyang unang partner, bukod pa sa house and lot na ibinigay sa kanya.

Ayon pa sa e-mail, sa isang okasyon daw, ikinuwento ng lalaki sa kanyang drinking buddies na gagamitin lang niya ang dating teenage star ‘for his future campaigns to attract voters’.

Ibinigay sa e-mail ang lahat ng pangalan ng mga personalidad na sangkot sa usaping ito, pero mas mabuting hindi na muna namin ihayag dahil nais din naman namin itong bigyan ng ‘benefit of the doubt’. Bukas naman kami sa anumang magiging pahayag ni dating teenage star.

BUGBOG DIN KAMI sa e-mail ng Kimeralds patungkol sa kanilang mga hinaing at banta laban sa mga itinatambal sa kanilang idols na sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Yes! Ayaw ngang tumigil ng mga fans ng Star Magic talents sa pangha-harass sa ibang artista. Para nga sa kanila, ‘walang ibang puwedeng i-partner sa kanilang mga idol, in reel at real life.

Matapos nga nilang ‘pasabugan’ ng katakot-takot na banta si Bea Alonzo noon na napabalitang nililigawan (o naging girlfriend nga ba?) ni Gerald, isinunod nila si Jewel Mische na katambal ng young actor ngayon sa Buhawi Jack. Ngayon, buhos ang effort ng Kimeralds na ‘wasakin’ si Sarah Geronimo. Nakatakda kasing gumawa si Sarah ng pelikula katambal si Gerald.

Sa isa ngang e-mail na natanggap namin, balak ‘kulamin’ ng isang fan si Sarah. Sabi ni ‘Enda Cawas’ (endacawas@yahoo.com).

“Kukulamin at babarangin ko ang starlet na si Sarah Geronimo. Hindi ako pabor sa pagtatambal nila ng paborito ng aking anak at ng buong pamilya ko na si Gerald Anderson. Si Kim Chiu lang ang gusto namin na kapareha ni Gerald Anderson at wala ng iba pa. Ang tulad kong bisaya lahat ay kayang gawin dahil alam kong gawin ang mga orasyon. Sa bawat tusok ng karayom madarama niya ang matinding sakit at ito ay kanyang ikamamatay. Ihihiwalay ko ang kaluluwa niya sa kanyang katawan at iaalay ko sa mga elementong hindi pakakawalan ang kanyang espiritu.”

Sa e-mail naman ng isang ‘Joel Bernabe’ (jbernabe84@yahoo.com), galit na galit naman ito at gusto nang paalisin sa ABS-CBN si Sarah.

“OUST Sarah Geronimo in ABS-CBN and ASAP ROCKS now. There is no reason to stay the stupid woman. She is the best sl*t in town in the whole world. I don’t wanna see her face anymore in channel 2 and Star Cinema. She’s not deserved to be a Kapamilya, she’s belong to TV5. – Kimerald”

May nakatakda pang proyekto si Kim na Binondo Girl, katambal ang baguhang si Matteo Guidicelli, samantalang sa Bagwis naman ni Gerald, si Jewel Mische pa rin ang makakasama nito. Gusto ng Ki-meralds na pagtambalin ulit sina Kim at Gerald sa nasabing dalawang proyekto ng Dos.

Naiintindihan naman namin ang sentimyento ng Kimeralds. Pero hindi siguro makatuwiran na laitin at isumpa nila ang sinumang makakapareha nina Kim at Gerald. At dapat din naman nilang isipin na hindi lang sila ang nanonood sa free TV. Kung hindi man sila nagsasawa sa tambalang Kim-Gerald, isaalang-alang din naman nila ang ‘taste’ ng ibang televiewers. Hindi lang naman sila ang dapat pinakikinggan, ‘di ba?

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

4 thoughts on “DATING TEENAGE STAR, NAANAKAN NG KANYANG ABOGADO?!

  1. SINO ANG BLIND ITEM NA IYAN??kalerki!

    HAY NAKO,,WAG KAYONG MANIWALA SA ISYUNG PASHOWBIZ NA GANYAN KINA GERLAD,KIM AT SARAH,,SIKAT LANG SILA KAYA GANYAN,,ISA PA,,.SUS!KUNG PAPAKINGGAN MO ANG MGA STUPID AT IMMATURED NA FANS NA MGA YAN,WALA NG MANGYAYARI KINA KIM AT GERLAD,BILANG ACTOR,WALA SILANG GROWTH,ALANGAN NAMAN SILA SILA NA LANG ULIT ULIT NALANG,,KAKASAWA,,A MATURED FAN O VIEWER MAY CONCERN SA STAR O IDOLO NILA,,LET THEM WORK AT GROW BILANG STAR..EWWW,…
    WE ANT SARA AT GERLAD TANDEM,AFTER TAHT ,IBA NAMAN,,IBA IBANG PARES,.DIBA,,KADA MOVIES O SHOWS,PARA MAS COOL,,

    KAKATAWA SILA,WAG PATULAN ANG GANYANG ISYU,,WAHAHAHAH..SIGURO NGA NASIRA SI SARA DAHIL SA PAGIGING LIAR NYA AT JOWA NYA PALA SI POKER FACE NA RAYVER CRUZ,.PERO MAS SIRA NAMAN SI CRISTIN REYES NA NAKADAMI NA NG JOWA,ISAMA MO PA SI LOVEI POE AT SHAINA MAGDAYAO NA POKPOKITA DIN SA MURANG EDAD,,YUCK,,,,

  2. Eto na naman ang mga war freaks, you need to grow up girls! It just shows how narrow minded you are at pinagtatawanan lang kayo ng mga tao.

  3. Pingback: Tweets that mention DATING TEENAGE STAR, NAANAKAN NG KANYANG ABOGADO?! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.