DATING TAMBALAN NINA DICK AND CARMI BALIK TELEBISYON

Roderick “Dick” Paulate and Carmi Martin

I REMEMBER ‘yong weekly musical show nina Kuya Dick (Paulate) at Carmi Martin noong early years ng ABS-CBN noong ibinalik ng gobyernong Marcos ang television network sa mga Lopez’s.

Sing and dance show ‘yong Dick and Carmi. Sa opening number ng palabas, sumasayaw sina Ms. Carmi at Kuya Dick.

Naging habit ‘yon ng mga manonood ng palabas na live isinasagawa ang show na para sa isang musical show on television ay mahirap gawin yun na bawal na magkamali.

Sumikat si Kuya Dick sa kanyang Rick Astley dance production number na lahat ng mga manonood sa TV ay inaabangan ito weekly.

Nawala sa ere ang show. Nag-lie low si Kuya Dick na kinalaunan ay pinasok ang  paglilingkod bayan ng Quezon City at Si Miss Carmi naman panaka-naka nage-guest sa iba’t ibang palabas at pelikula.

Naiba ang uso. Nag-iba ang trend. Nawala ang tambalan ng dalawa. Dumaan ang mga taon. Now, ang dalawa ay nagbabalik telebisyon.

Yesterday, ibinalita sa social media ng Dreamscape Entertainment ang nagbabalik  na sina Kuya Dick at Miss Carmi as a team sa aksyon-serye na Ang Probinsiyano na bida si Coco Martin.

As of presstime, wala pang detalye ang pagkasali ng dalawa sa serye.

I’m sure, magiging comic relief sina Kuya Dick at Miss Carmi sa show kaya happy ito. Imposible naman mag mag-Rick Astley dance prod si Kuya Dick sa gitna ng mga barilan at habulan.

From my point, magandang pasimula ito kung plano ni Kuya Dick ipagpatuloy ang kanyang public service sa QC sa 2019 on higher position.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “DATING TAMBALAN NINA DICK AND CARMI BALIK TELEBISYON

  1. Isama rin po sana c bayani agbayani sa probinsyano. sana po ibalik din c maja salvador sa ang probinsyano. mula po sa cocojam fans.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.