Dating taga-Starstruck, nagpakasal sa isang operadang bading!

HINDI PALA natuloy ang interview namin sa Startalk sa dating taga-Starstruck na nagpakasal sa isang operadang bading.

Hindi ko muna sasabihin kung sino dahil sa Startalk daw dapat unang malaman.

Dapat ay live guest sila nu’ng nakaraang Sabado sa Startalk pero hindi natuloy dahil nasa Cebu pa pala itong taga-Starstruck.

Ang sabi ng reporter namin, hindi pa raw kasi handa itong pag-usapan sa publiko dahil may anak pala ito sa Cebu.

May dyowa daw ito dati, kung saan nagkaroon siya ng anak, pero naghiwalay rin sila.

Alanganin pa raw itong magsalita dahil hindi pa niya nakikita ang anak niya sa Cebu, kaya gusto muna niyang makita ito bago siya bumalik ng Maynila.

Iniisip pa raw nito na baka mapapanood pa raw ito ng anak niya, paano raw niya ito maipaliliwanag sa bata.

Pero itong si operadang bading ay gustung-gusto nang magsalita at proud na proud siya sa pakikipagrelasyon du’n sa dating aktor na taga-Starstruck.

Siyempre, wala naman siyang magagawa kundi sundin ang gusto ng dyowang bading dahil ang laki na pala nang naibigay niya.

Naipagtayo pa raw niya ito ng bahay sa Cebu kaya siyempre pakikisamahan niya. Kaya lang, hanggang kailan naman ‘yun?

Naku! Abangan n’yo na lang sa Startalk sa Sabado. Sana matuloy na ang interview namin sa kanila.

By Lolit Solis

 

 

loading...

13 thoughts on “Dating taga-Starstruck, nagpakasal sa isang operadang bading!

  1. KIRBY DE JESUS YAN!!! although dko xa kilala eh ni research ko  Star Struck season 2 at dati nrin xng napapabalitaan n ngbebenta ng laman s mga bading at matrona.

    • parang tama ka. kasi ang alam ko ung gian carlos ay nagpakasal na rin pero sa babae sya nagpakasal. naibalita kasi ni lolit un sa startalk at na interview nila si gian carlos.

    • Ang Clue na nabasa ko nung nakaraan Starstruck batch 3 daw siya , kung di ako nagkakamali , kasabayan siya nila Jackie Rice

    • If ung clue ay galing Starstruck Batch 3, then either Bugz Daigo or Gian Carlos lang yan. As far as I know, Bugz is from Cebu and Gian is from Iloilo pero may anak cla ni Eda Nolan na tga-Cebu.

Leave a Reply

Your email address will not be published.