Dating taga-Starstruck, nagagamit lang ang asawang transexual

ABANGAN N’YO pala bukas ang isa sa mga kuwento ng Startalk tungkol ito sa kuwento namin noon tungkol sa dating taga-Starstruck na si Bugz Daigo na nag-asawa sa isang transexual na si Hazel Timotera.

Pagkatapos pala nilang lumabas sa Startalk para ikuwento ang kanilang relasyon, nagalit daw ang pamilya ni Bugz dahil hindi pala ito matanggap ng Mommy niya at ng stepdad nito.

‘Yung lola at ate ni Bugz, natanggap nila, pero nu’ng nagpa-interview sila sa Startalk, nagalit daw itong Mommy niya at hindi nila matanggap itong ginawa ng dating aktor.

Kaya nagpa-interview sila uli at at baka nga live guest namin sa Startalk para humingi ng sorry sa ginawa nilang pag-amin sa publiko.

Nakunan ng Startalk ‘yung opening ng salon at spa na ipinatayo ni Hazel sa Makati. Nandu’n siyempre si Bugz at doon nila ipinaliwanag kung bakit sila nag-open.

Pero base sa obserbasyon ng mga reporter at writer namin na nag-cover, parang hindi naman daw sila ganu’n ka-sweet.

Tingin nga nila, parang napilitan lang daw talaga si Bugz na magsalita at parang nagagamit lang daw nito si Hazel.

Tantiya nga nila, mukhang hindi raw magtatagal ang relasyon ng dalawa.

Gusto nga raw ni Bugz na umalis pa-Japan pero ayaw raw pumayag nu’ng Hazel. Eh, mukhang itutuloy pa rin nitong Bugz at baka nga may makita na naman siyang bagong karelasyon du’n kung sakali.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.