Dating Survivor, nanduro ng taxi driver – Gorgy’s Park

KUNG PAGKUMPARAHIN MO ang magkatapat na reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother at ang Survivor ng GMA-7, mas interesting pa ring panoorin ang huli dahil lalong umiinit na ang labanan lalo pa’t pinag-merge na ang dalawang tribu at ginawa nang isa.

Naunang umere ang Survivor at kailan lang nagsimula ang PBB na ginawa pa nilang Double Up at nagamit pa ang dalawang kambal.

Sa Survivor, nabuking agad na merong napasaling isang retokada na si Justine Ferrer.

Aba! Meron din ang PBB at pinapasok na nga nila si Rica na obvious namang retokada.

Hindi mo pa nga mapagdudahang bading na retokada si Justine dahil maganda ito at mukha talagang girl. Pero itong Rica ng PBB, halatang-halata.

[ad#post-ad-box]

‘Lalo pa kaming nagkainteres kay Justine nang mag-guest ito sa Cool Center nu’ng nakaraang Sabado at kinuwento pa nito kung paano natanggap ng pamilya niya ang pagbabago ng kasarian.

Naloka si Eugene Domingo nang i-reveal ni Justine na nakatago pa pala ang ari niya nu’ng lalaki pa siya at naka-preserve pa ito sa isang garapon.

Tinatago raw niya ito at ang nanay lang niya ang nakakita nito.

Balak ni Justine na kung mamatay siya, kasabay ang ari na iyun na ililibing, pero hindi naman daw kailangan pang paglamayan.

Mas masaya raw siya sa bago niyang katauhan pero loveless daw siya ngayon.

Wala pa tayong alam tungkol naman dito sa Rica ng PBB. Ang drama lang muna nito ngayon ay nagpanggap silang magdyowa ng isang housemate niyang galing Australia.

Sinusubukan naming huwag ma-miss ang bawat episode ng Survivor dahil iba ngayon ang castaways na kasali.

Maaga pa lang ay lumalabas na ang sama ng ugali at ilan sa kanila ay talagang kaiiritahan mo.

Nakatsikahan nga namin kamakailan lang si Jayce Flores ng unang Survivor Philippines at nagugulat daw siya ngayon sa bagong batch dahil talagang ang sasama raw ng ugali ng karamihan.

Mas okay raw ang sa kanila noon dahil na-develop ang friendship at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila.

Ewan ko lang dito sa mga taga-Survivor Philippines-Palau dahil ang aga pa lang talagang nagsisiraan na sila sa isa’t-isa at lumalabas na ang pagiging traydor ng karamihan sa kanila.

SPEAKING OF SURVIVOR, nagkaroon pala ng ‘di magandang karanasan ang isang kaibigan namin sa GMA-7 dito sa dating castaway ng Survivor Philippines 1 na si Kiko Rustia.  Si Kiko ang isa sa hosts ng Born to be Wild, pero nagpakita raw ito nang pagka-wild nang nakasabay raw nila ito na sa kahabaan ng Ortigas nu’ng nakaraang Sabado ng gabi.

Kuwento ng kaibigan naming taga-GMA 7 din, kasama raw nito ang mga kaibigan sa loob ng taxi nang napansin nilang merong kotse sa bandang likuran nila na parang gustong mag-overtake sa kanila.

Hindi raw ito pinagbigyan ng taxi driver, nairita raw ito at nagpumilit daw na unahan sila. Kaya ginitgit daw sila na halos banggain na ang taksing sinasakyn nila.

Nang malagpasan daw nitong kotse ang taxi nila, humarang daw saglit daw kanila at dinuro-duro raw ang taxi driver.

Doon nakita ng kaibigan namin na si Kiko pala iyun. Type pa naman daw nila si Kiko dahil parang mabait naman daw ito pero sa ipinakita nito sa kanila nang nakasabay nila sa Ortigas, nagbago raw ang pagtingin  niya dahil  iba raw ang itsura nito na parang lasing at nagpakita ng ganu’n kagaspang na ugali.

Takot na takot ang kaibigan namin na nagsumbong sa isang katrabaho namin sa GMA-7 dahil ang akala raw niya babanggain na sila nitong Kiko.

Naku, ha! Dapat na mapagsabihan ito ng mga taga-GMA News and Public Affairs dahil host pa naman siya ng isa sa mga programa nila na Born to be Wild.

By Gorgy’s Park

loading...

6 thoughts on “Dating Survivor, nanduro ng taxi driver – Gorgy’s Park

  1. There are always two sides in a story. Nagda-drive rin ako, so alam ko na may posibility na baka naman may mga maling driving behavior na nagawa iyong taxi driver, kaya na-provoke si Kiko. At isa pa, with the kind of traffic situation there is in Metro Manila, it can’t be helped (at times) but to blow our temper (tao lang, hindi perpekto).

  2. ay sus, nanonood kaya iyong isa dito ng Survivor Philippines, para i-compare sa PBB na super scripted ang mga nangyayari!!!! ang layo naman ng flow ng mga kaganapan sa Survivor, na exciting; dahil very spontaneous.

  3. wahhh hindi nman ganun ang tema ng totoong survivor so its more like big brother house now ang pinagkaiba lang tribe haus yung sa knila tama ba kc never pa me nkapnood ng survivor sa kamuning, parang dami gustong mang-down sa shows ng kapamilya malaking threat na nman ba yan sa mga sardinas panels…

Leave a Reply

Your email address will not be published.