Dating sundalo, patay sa duwelo kontra pulis

ISANG DATING SUNDALO ang namatay matapos itong makipag-duwelo sa isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) nang magtalo ang mga ito tungkol sa batas-trapiko sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng tinamong tama ng bala ng .9mm caliber pistol sa katawan ay nakilalang si Francis Nepomuceno, 38-anyos at residente ng Damata Letre, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na si PO1 Benedict Antaran, 25-taong gulang, nakatalaga sa District Public Safety Battalion (DPSB) ng Northern Police District (NPD) na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:55 ng gabi sa kahabaan ng Leoño St., Brgy. Tañong, Malabon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang XRM motorcycle (3535PI) nang pumasok ito sa Leoño St. na one-way kung saan ay nabangga ng sasakyan nito ang motorsiklo (CO1116) ng suspek.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa magkasigawan at magkamurahan ang mga ito at mauwi sa hamunan ng barilan.

Sa salaysay pa ng mga nakasaksi, kapwa armado ng baril at parang shooting sa isang pelikula ang ginawang pagdu-duwelo ng dalawa at makalipas ang ilang sandali ay tumimbuwang ang dating sundalo na nagtamo ng tama ng bala ng .9mm caliber pistol sa katawan saka mabilis na tumakas ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.