Dating Starstruck avenger na si Bugz Daigo, itinangging pineperahan lang ang pinakasalang bading!

ANG DAMING nag-react sa isang exclusive story ng Startalk tungkol sa dating taga-Starstruck na nagpakasal daw sa isang transexual.

Si Bugz Daigo itong tinutukoy namin ng Starstruck batch 3 na kasabayan noon nina Jackie Rice at ng nasirang young actor na si Marky Cielo.

Ang balitang nakarating sa amin, nagpakasal na raw sila nitong dating lalaki na si Hazel Timotera na ngayon.

Mag-iisang taon na ang kanilang relasyon magmula nang magkakilala sila sa Macau na parehong pinagtatrabahuan nila.

Ngayon ay nagsasama na sila at ang balita nga nagpakasal daw sila sa isang seremonya sa Baguio. Pero ayaw pa ni Bugz na pag-usapan ang kasal dahil nag-aalala pa siya sa anak niya sa Cebu. Hindi pa raw niya alam kung paano niya maipagtapat sa kanyang anak.

Itinatanggi rin ni Bugz ang intrigang pineperahan lang niya itong si Hazel dahil ang balitang nakarating sa amin, may dalawang condo unit na raw ito sa Pasig, may sasakyan at nagpapatayo pa ito ng bahay sa Cebu.

Sabi ni Bugz, unfair naman daw sa kanya na pagbintangan siya ng ganu’n dahil meron naman daw siyang naipon sa pagtrabaho niya sa Macau. Kaya nakapagpundar siya.

Sa ngayon ay nagpapatayo naman itong si Hazel ng negosyo niya sa Makati, isang salon at spa at umaasa siyang magiging maganda ang relasyon nila ni Bugz at makabuo sila ng pamilya. Kahit mag-adopt daw sila ng baby.

Bongga!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Dating Starstruck avenger na si Bugz Daigo, itinangging pineperahan lang ang pinakasalang bading!

  1. Mahiya ka naman bugz sa pamilya mo..kung gusto mo swertehin sa buhay gumawa ka ng makapag bigay saya sa panginoon…wag yan…malas yan!!

  2. Bugz daigo…nasaan na ang panginoon mo?matakot ka sa panginoon…mamalasin ka nyan…sisikat ang pangalan mo sa pagka walang kilatis na isang ex showbiz…cheap!!!

  3. Nakakasira ng image yung pagpakasal sa isang operadong lalaki na gusto maging babae..kasalanan yan..bugz daigo ,masisira ang image mo dyan at kampon ka ng malaking kasalanan..labag sa Panginoon yan…

Leave a Reply

Your email address will not be published.