Dating singer, sa third-run theater naghahanting ng lalaki – Tita Swarding

OLACHIKKA! ILAN LAMANG sa mga kaibigan ko sa mundo ng showbiz ang mag asawang Carlo J. Caparas at ang maybahay nitong si Donna Villa na totoong tao at hindi kaplastikan ang kanilang ipinapakita, very down to earth, ika nga.

Tinanggap ng mag-asawa sa nakaraang FAMAS night ang Presidential Awards na karapat-dapat naman talaga at deserving ang lahat ng nanalo at ni isa ay walang nagreklamo. Ang mag asawang ito, kahit naabot na nila ang isa sa pinakamalaking award ay humble pa rin. Hindi nila ininda ang mga panlalait at pangmamaliit na ginawa ng ilang mga tao na nag-question sa isang award na iginawad rin ng Malakanyang noong nakaraang buwan lang, Ang National Artist Award na ayaw nang pag-usapan ng mabait kong friends na ito. Lumaki ang National Artist issue at hanggang ngayon ay nakabinbin parin sa mataas na korte ang kaso.

[ad#post-ad-box]

Ngayon ay pinag-iigihan na lang nila ang kung ano ang pinagkakaabalahan nila na tiyak ikatutuwa ng mga tao. Mas lalong pinagbuti ni Direk Carlo ang kanyang pagiging direktor at pagiging isang manunulat kaysa pag-aksayahan ang mga isyung walang katuturan.

Ayaw nang pag-usapan ng mag-asawa ang National Artist issue. Sa mag-asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa, congratulations at siguro naman ay walang kukuwestiyon sa inyong Presidential Awards sa FAMAS. ‘Yun na!

ILANG ARAW NA lang ay kasalan naina Korina Sanchez at Senador Mar Roxas. Pero kahit sinasabing simple lang ang kasalang ito, hindi papipigil ang mga intriga laban sa bonggang kasalan,huh! May bahid ng pulitika ang naamoy ng karamihan. Hindi lang sila, ‘no, pati na rin ang lola n’yo naaamoy rin niyan noon pa. Ha! Ha! Ha!  Pero ang nakakaloka, kahit pulitika pa ‘yan ay hindi mawawala ang mga ilang showbiz personality. Yes, dahil out na raw ang hambog na TV host na si Willie Revillame sa reception ng dalawa dahil simple lang daw ito.

Ayon sa tsika ng aking Parazzi Girl, kakanta raw ang TV host na ito sa wedding nina Korina at Sen. Mar. Hesus maryosep! Maghunos-dili ka nga. Kinikilabutan ang beauty ko. Ha! Ha! Ha! Charot!

Kaya raw nag-backout ang hitad na ito ay dahil ayaw na ayaw raw ni Sen. Manny Villar kaya ganu’n na lang daw ang pagiwas nitong mayabang na TV host na ito. Kalerke, ha! Pero kahit ayaw o hindi ni Willie ay matutuloy ang kasalan, ‘no!

Kung out na si Willie ay hindi naman pahuhuli ang kapatid ni Sen. Noynoy Aquino na si Kris at ang anak nito na si Baby James na kinuhang ring bearer sa kasal. Si Kris naman ang host ng wedding sa October 27 kung saan bonggang-bongga ang mga imbitado. Kahit sa kasalang ito may bahid-pulitika pa rin! Ano raw?

MAY MALAKING PASASABUGIN ang kampo ng batang nagreklamo laban sa actor na si Aljur Abrenica.

Ayon sa nakarating na tsika sa akin, bitbit daw ng kampo ni Aljur ang ilang mga artista tulad ni Mocha na naging kontrobersiyal sa pahayagang ito. Ha! Ha! Ha! Ha! At ang dalawang komedyante na si Moymoy Palaboy na mga testigo at saksi sa mga pangyayari na hindi raw totoo na hinipuan ng guwapong actor ang batang nagrereklamo laban kay Aljur.

Palaki na nang palaki ang isyung ito kung saan umabot na sa husgado. Ayon naman sa kampo ng bata, wala naman umanong alam ang mga testigo ni Aljur dahil una, pa raw itong nalasing at hindi raw totoo ang sinasabi nilang 20 years old na ang bata dahil isa raw itong menor de edad.

Naku, saan kaya hahantong ang kasong ito? Naku, ha, ayaw na ayaw ng beauty ko ng ganyan at baka ma-stress lang ako. Ha! Ha! Ha!

MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo?

Naku, maloloka kayo kung sino itong dating sikat na singer noong 80’s na may initial na EV na madalas makitang laman ng isang vintage na sinehan sa Cubao kung saan karamihang pumupunta ay mga third sex.

Ang singer na ito ay laging kapartner ng isang babaeng singer na may pangalang lalaki. Kaya raw pupumunta itong singer na ito ay pang manghada ng ilang mga bayarang lalaki na pumapasok sa sinehan diyan sa Cubao, huh!

Naloka kayo, ‘no?! Kaya hulaan n’yo na kung sino siya. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “Dating singer, sa third-run theater naghahanting ng lalaki – Tita Swarding

  1. WOW ang tatay ni Aljur dinala ang younger bro ni ALjur sa Star Magic dahil doon nya gusto mag artista ito. aray ko naman GMA!!!

  2. i go 4 d girl sana sa laban nya na ito kay aljur
    but…sa ginwa ng kampo nya na pagbi2gay sa mga reporter ng picture na nka 2pcs. at ung pagbe2nta nya ng alak kung tlgang minor p ung girl mlking butas pra sa ipinagla2ban nilang kaso.
    and take note…may manager na pla ung girl.

  3. Wag kang ganyan Swarding. Eugene Villaluz (EV) ay isang ulirang padre de familia at kilala ko mula ulo hanggang paa na isang tunay na lalake! Ayusin mo ang panulat mo para hindi ka mapulaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.