Dating sikat na sexy actress, nagtitinda na lang ng sabon!

NAKAKATUWA NAMAN ANG isang dating sexy actress na ngayon ay napabayaan na ang katawan. Kasi, kahit lumusog siya nang bongga ay marami pa ring nakakakilala sa kanya sa mall madalas.
Ano ba ang ginagawa niya sa mall? Bakit madalas?
Siya ngayon ang namamahala sa puwesto ng isang sexy actress na very thankful siya, dahil tinulungan siya nito nu’ng siya’y nangangailangan.
At dahil kailangan niya ng trabaho, binigyan din siya nito. Siya na ang tumatao sa puwesto nito ng mga tindang sabon sa isang mall.
Happy naman daw ito sa trabahong ibinigay sa kanya. Kaso, may pamilya rin itong nais itaguyod, kaya ang suweldong P300 per day ay hindi kakasya sa kanyang pamilya.
“Gusto ko pong bumalik sa showbiz. Alam ko naman pong hindi na ako ganu’n kasikat, kahit nga P5,000 lang a day, okay lang. Malaking tulong na po ‘yon sa akin at sa pamilya ko.”
Sey ng aming source, “Papa O, tulungan mo, maganda pa rin siya ngayon kahit na lumaki katawan niya. Nakakaawa.  Naparami tuloy ang bili ko ng sabon sa kanya!”
Aba, hindi pa naman tapos ang laban ng buhay. Naniniwala kaming sa hirap ng kanyang mga pinagdaanan ay mas humusay siya sa pag-arte ngayon at kaya na niyang umawit ng “Lalalalalala…”
(By Ogie Diaz)

loading...

18 thoughts on “Dating sikat na sexy actress, nagtitinda na lang ng sabon!

  1. @gabinol balasubas ka CAPS LOCK ka lahat no internet manners. as if ang linis mo, super asensado ka ba to tell those things… if the writer is degrading someone, you too are degrading the writer with your baseless comments… your both the same bitches

  2. HAY KAYA ANG PILIPINAS HNDI NA UMUNLAD GAWA NG MGA SALOT NA GAYA NG WRTIER NA ITO…MABUBURA DIN ITONG MAKAPAL NA MUKHANG ITO BABOY…HINDI NAKAKAHIYA ANG MAGTINDA MASAMA MAGNAKAW AT IBA ANONG VALUES ANG ITINUTURO MO SA MGA ANAK MO NA BALASUBAS KA….

  3. puta ka ogie, umaayos ka nga. Ayos mo yan mukha mo at ugali mo. Wag kang masayado manlait ng tao kung magsalita ka pra kang anak ng duke ah.. be proud to other people who dahil lumalaban sya ng parehas sa buhay… wag kang ganyan brod.. ayos mo mukha mo!!

  4. Kayo naman ,  ganyan lang talaga ang buhay … Ang iba nga diyan kahit hirap na hirap na MASYADO PANG MATATAAS ,  pero miserable naman ang buhay nila ..  Never silang naging happy  kahit anong yaman nila ;(   

  5. so what? nagnakaw ba siya? sumabak ba siya sa pa booking na uso ngayon sa mga starlet at boylet? HINDE. What’s wrong with honest living? What’s wrong in selling soap? Besides lahat tayo naliligo di ba?– we need soap! Di tulad ng kritiko dito na amoy beho! This kind of article infuriates me…as if mga mayayaman kayo.

  6. Ano ba ang marangal na trabaho? Ang magtinda ng sabon o ang manira ng kapwa dahil sa tsismis at gumawa ng mga walang katotohanang istorya? Yang kabaklaan mo ogie eh mas masagwang di hamak at wag ka sanang pamarisan ng mga tao…di ka ba masaya at nagbagong buhay yung tao at nagtatrabaho ng marangal?

  7. marangal ang trabaho niya..umayos kang baklang chaka! mas busabos ka ngang bakla ka kac humahada ka ng lalake..samantalang may mga anak ka….ggawa ka ng mga issue para lng may maipalamon sa mga patay gutom mong anak..

  8. Hayaan nyo na sila, may karma rin ang mga taong pinagkakaitaan ang panlilibak ng kapwa. Basta tayo, observe observe lang.

  9. Kaya may mga taong masaya kapag nakakakita ng  bumabagsak na iba dahil miserable din buhay nila, finacially or emotionally. Naghahanap ng kadamay or  feeling mas angat pa rin buhay nila.

  10. Bakit kaya may mga taong masayang-masaya pag may nakikitang bumabagsak na iba…

    Parang siguradong-sigurado sa buhay na di dadanasin yung paghihirap ng iba.

    Kung mangyari kaya sayo yang ganyan at pagpiyestahan ng mga tao yung paghihirap mo, matutuwa ka ba?

  11. Pingback: Dating sikat na sexy actress, nagtitinda na lang ng sabon! – The best way to stay tuned to social networking's many advantages

Leave a Reply

Your email address will not be published.