Dating Sikat Na Aktres, ‘Kapit-Tuko’ Sa Dyowang Bagets!

MUKHANG MADLY IN love ang dating sikat na aktres na may mga anak at hiwalay na sa kanyang asawa sa kanyang guwapo at batambatang papa na kalahati lang ng kanyang edad. Tsika ng isang taxi driver na aming nasakyan, naisakay nito ang nasabing aktres at dyowa nito na batambata nga at nagpahatid sa bahay ni boylets.

Hindi raw nahihiya ang aktres na makipaglambutsingan sa loob ng taxi, pero halata namang naasiwa raw ang dyowa nito. At mukhang nahihiya pa raw sa driver, kaya panay ang iwas nito everytime na naglalambing ang aktres .

Dagdag ng mamang driver, nang makarating na sila sa house ng bagets, mabilis itong bumaba ng taxi at diretsong pumasok sa kanyang bahay. Iniwan ang aktres sa taxi. Sa sobrang tagal daw bumalik ng bagets, nakipagkuwentuhan muna ang aktres sa driver, pati raw ang nakaraan nitong mga relasyon ay naikuwento rito.

Umabot daw ng isang oras ang kuwentuhan nila ng aktres at naikuwento na yata ang life story nito sa driver. Bumalik ang bagets at tumuloy na sila sa pad ng aktres. Kapit-tuko raw ito kanyang guwapitong papa.

(By John Fontanilla)

loading...

11 thoughts on “Dating Sikat Na Aktres, ‘Kapit-Tuko’ Sa Dyowang Bagets!

  1. Pingback: Dating Sikat Na Aktres, ‘Kapit-Tuko’ Sa Dyowang Bagets! – The best way to stay tuned to social networking's many advantages

Leave a Reply

Your email address will not be published.