Dating sikat na aktor na playboy ang image, nahihilig ngayon sa kapwa lalaki?!

NAKAWIWINDANG ANG tsismis na ito na nagsimulang sumingaw sa umpukan ng mga manunulat sa showbiz. Pinagkukuwentuhan kasi nila kung kumusta na kaya at nasaan na ang mga sumikat na aktor noon, na ngayon ay mga hindi na aktibo, pero pupuwede pa naman daw bumalik sa limelight, dahil kahit may edad na sila ay mga guwapo pa rin sila. Nabanggit ang isang dating matinee idol na nagkaroon din ng Playboy image. Itago natin siya sa pangalang Vhenee Romero.

“Nasaan na ba ngayon si Vhenee? Napakaguwapo pa rin niya. Kahit tatay o lolo sa mga teleserye ay pupuwede siya. Napakaguwapo kaya niya nu’ng kanyang kasikatan. ‘Kita n’yo naman, mga sikat at pagkagagandang aktres ang kanyang mga nakarelasyon,” tanong ng isang beteranang manunulat.

“Sumikat naman siyang talaga. Kaya siguro hindi na niya feel na magbalik-showbiz. Nakakapanghinayang nga, ‘di ba? Ang balita ko ay namamalagi na lang siya sa kanyang probinsiya, dahil may mga lupain sila roon, tsaka naroon ang kanyang mga kaanak. Kaya lang, hindi maganda ang huli kong nabalita tungkol sa kanya,” wika ng isa pang beteranang manunulat na kaibigan ng dating matinee idol.

“Ano’ng balita ‘yon?” tanungan naming lahat.

“Susmaryosep! Ang huli kong balita, na nanggaling sa kanilang probinsiya at sa kalapit probinsiya pa nila, na si Vhenee Romero daw ay humahada na. Nanlalalaki na. Kumokopas na ng ka-notahan. Ganu’n daw ‘yon, eh. Kapag ang isang lalaki na naging babaero, kapag daw nagkakaedad na ay medyo lumalamya ang mga kilos at nagiging bading. Lalaki na rin ang gusto,” dugtong pa ng beteranang writer.

Talagang sumikat si Vhenee Romero, kaya mag-iingat tayo ng pagkikilanlan na dapat n’yong hulaan. Naging parte ng kanyang lovelife ang isang beteranang aktres, nakarelasyon ang isang aktres na hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin, at naka-live in ang isang dating napakaganda, flawless at boobsie na sexy actress. Hanggang d’yan na lang po ang pahulaan.

(By Melchor Bautista)

loading...

21 thoughts on “Dating sikat na aktor na playboy ang image, nahihilig ngayon sa kapwa lalaki?!

  1. oo nga ano ba yan, kulang na lang sila anita linda at karidad sanchez ang i-BI lol yun namang mga kilala ng generation ngayon. duh, as if naman nag-iinternet pa mga lolo’t lola namin hehe

  2. jusko cnu ba tong writer n ito. hndi kmi mhilig s mga antigo. ung mga sikat at nppanahong artista ang gawan nyo ng issue hndi yang mga pnahon p ng aming mga ninuno

  3. Paanong Romeo Vasquez, eh sabi nasa PROBINSYA nga daw…di ba nasa California ang Tatay ni Liezl.

    Unless, sinabi nang nagsulat na nasa ABROAD…then, perhaps, si Romeo Vasquez nga….besides ang tunay na pangalan niya ay Roberto Sumilang.

  4. ala nmn kasing in=bang actress n sikat na sikat hanggang ngayon kundi s VILMA LANG!!!!! kya mdli nmn un BI walang kahirap-hirap at susme un writer eh umeechos pa n ……………..

    “Talagang sumikat si Vhenee Romero, kaya mag-iingat tayo ng pagkikilanlan na dapat n’yong hulaan. Naging parte ng kanyang lovelife ang isang beteranang aktres, nakarelasyon ang isang aktres na hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin, at naka-live in ang isang dating napakaganda, flawless at boobsie na sexy actress. Hanggang d’yan na lang po ang pahulaan.”

    look nmn s clues nya given n given n s VHENEE ROMERO plng eh spluk n! binaligtad na initials un clue as in VHENEE ROMERO for ROMEO VASQUEZ !!!!

  5. YES! it is ROMEO VASQUEZ sa umpisa plng ng BI xa agad ang pumasok s isip ko! Tama Bagito! c Amalia un veteran actress at c Vilma un Sikat n sikat na actress hanggang ngayon at c Alona Alegre un flawless n sexy star!

  6. Si Romeo Vasquez siguro ito, naging boyfriend ng veteran actress, Vilma Santos at naka-live ng flawless, boobsie na sexy actress na si Alona Alegre…

Leave a Reply

Your email address will not be published.