Dating sexy star na si Marinella Moran, bigtime na sa Singapore

Marinella-MoranNAKATUTUWA NA makita at makausap ang ilan sa ating former sexy stars from the 90’s na maganda at successful sa kani-kanilang buhay sa ibang bansa after nilang iniwan ang mundo ng pag-arte at pagpapa-sexy. Isa na rito si Marinella Moran na mas kilala na ngayon sa mundo ng socialites sa Singapore bilang si Maria Isobelle-Abdullah.

“Sipag at tiyaga lang naman ang kailangan para umasenso ka sa buhay. After showbiz, dapat alam mo kung saan ka pupunta at ano na ang mangyayari sa ‘yo,” panimulang pahayag ni Marinella nang ma-interview namin through Yuki Clyde na naka-base naman sa Malaysia sa kanyang sariling boutique, ang 1st Initial na matatagpuan sa Lucky Plaza, Singapore.

“Wala naman kasing ibang tutulong sa ‘yo kung hindi ang sarili mo. Kaya kung gusto mo talaga na may marating, you need to work very hard,” sabi pa ni Marinella.

Bongga na nga ang buhay ni Marinella sa Singapore, kung saan happily married siya sa isang businessman with 2 kids, a boy and a girl ages 9 and 10.  Going places na nga sa Land of the Lions ang dating sexy star, kung saan bukod sa 1st Initial Boutique, siya rin ang may-ari ng Signature Boutique kung saan halos mayayaman at socialites ang kanyang mga kliyente. And soon, magbubukas naman daw sila ng another boutique for kids apparel.

Hindi naman daw itinatago ni Marinella na nami-miss na niya ang pag-arte. Open pa rin naman daw siya if may mag-aalok sa kanya para umarte at aprubado naman ito sa kanyang very supportive husband.

After our interview kay Marinella, direstso na ito sa Airport para pumunta naman sa New York para sa isang business meeting sa kanyang lumalaking negosyo sa Singapore.

 

NAGING FRUITFUL ang trip namin sa Malaysia at Singapore kasama ang mga kapwa manunulat at kaibigan na sina Rommel Placente, Roldan Castro at Timmy Basil, kung saan nag-stay kami sa condominium ng napakabait na si Yuki Clyde na former secretary ng LDG Productions ni kaibigang Lito De Guzman. Kasama nito sa kanyang condo ang kanyang equally beautiful sisters na sina Beth at Tonette at mga kaibigan nilang sina Sophie at Jaya.

First time naming napuntahan ang Twin Towers kaya naman excited naming hinintay hanggang gabi ang pagbubukas ng ilaw ng nasabing famous 2 towers na hindi naman kami nabigo dahil sobrang ganda nito sa gabi with matching dancing fountains sa gitna ng mall dito malapit sa Twin Towers. Dito rin namin na-meet ang former sexy star na si Jasmine Tolentino na successful na ngayon sa Malaysia.

From Malaysia, dumiretso kami ng Singapore kasama sina Timmy, Rommel, Yuki at Jen, kung saan nagkaroon kami ng pagkakataong ma-interview ang isa pang dating sexy star na si Marinella Moran na sobrang yaman na sa Singapore. After naming makausap si Marinella, pinasyalan namin ang Universal Studios at Sentosa Singapore.

 

Coco Martin, makakasama ng UPGRADEsa MyPhone Celebrity Mall Tour

 

SA SUNDAY June 29, 2pm sa The Annex, Cyberzone ng SM North City Edsa, magaganap ang Celebrity Mall Tour Rio Invasion at  MyPhone Grand Opening sa pangunguna ng MyPhone Endorsers na sina Devon Seron at Coco Martin.

Kasama rin ang mga MyPhone ambassadors na sina Kyle Vergara, Timmy Pavino at Blaze N Kane at ipakikilala naman dito ang pinakabagong band ambassador ng nasabing sikat na brand ng cellphone na UPGRADE na kinabibilangan nina KCee Martinez, Rhem Enjavi, Miggy San Pablo, Raymond Tay, Ron Galang, Armond Bernas at Mark Baracael.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

2 thoughts on “Dating sexy star na si Marinella Moran, bigtime na sa Singapore

  1. Warning: if ever this woman borrows money from you or encourages you to do business with her and asks for capital, please dont engage. She is out to get your money and she will never return your money back. She did it to me and i dont want this to happen to anyone. Please beware of this woman if you meet her in Singapore.

  2. Warning: if every this woman borrows money from you or encourages you to do business with her and asks for capital, please dont engage. She is out for your money and she will never return your monet back to you. She did it to me and i dont want this to happen to anyone.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.