Dating sexy actress, nagtitinda na lang gulay sa palengke!

MAY GUSTO SANA kaming sulatin. Isang dating kilalang aktres na ngayon ay nasa isang pagamutan. Nawala kasi ito sa katinuan, kung saan ay nakapag-asawa ito ng isang businessman na ang business pala ay droga.Kaya lang bukod sa bawal ay baka kami naman ang buweltahan ng mayaman nitong angkan.

Kaya ang dating sexy actress na nagtitinda na lang ngayon ng gulay sa palengke ang ating pag-usapan. Sa Region 4 naroon ngayon ang dating sexy actress na nagtitinda ng gulay. Ang bida sa ating blind item sa araw na ito ay ang aktres na kung ilang beses nang nakakuha ng acting award dahil sa husay ng kanyang pagganap.

Nawala siya sa showbiz dahil nakapag-asawa siya noon ng businessman. Pero sad to say, ilang taon lang ay namatay ang nasabing businessman kaya naibenta ang lahat ng naipundar hanggang sa siya ay magkasakit ng cancer.

May sakit na cancer noon si sexy actress, gumaling siya, pero nitong huli ang pakiramdam niya ay umuulit na naman ang kanyang sakit. At dahil sa kakulangan ng pera, humihingi na lang siya ng tulong sa ilang kaibigan at mga politician.

Si dating sexy actress ay malayung-malayo sa aura niya noon, dahil bukod sa payat ito, mukha na itong matanda habang dala-dala ang bilao na may lamang kamatis, sibuyas at kung anu-ano pang kagulayan.

(By Morly Alinio )

loading...

20 thoughts on “Dating sexy actress, nagtitinda na lang gulay sa palengke!

  1. Sana di n lang ginawang blind item. Sana pinangalanan mo n lang so that other personalities from the the industry she had been can provide help. Mas naging sensible pa siguro itong article if sa ganung paraan mo sinulat. Nakatulong k pa! tsk3

  2. walang kwentang writer yang si Morly puro kabaklaan,anong masama kung nagtitinda ka ng gulay,marangal na trabaho yan,pag isipan mo minsan ung mga write ups mo.

  3. I hope in the next few years… This guy will be the headlines for blind item. “Former blind item writer, now sells balot & pork grinds.

  4. ang kapal ng mukha mo HAYOP NA MORLY..anong masama sa pag titinda ng gulay..nakapag tapos kami sa pag aaral dahil sa pagtitinda ng gulay ng parents ko sa palengke..ikaw cguro ang may cancer sa utak..at mamatay kana wala kang kwenta sa mundong ito..

  5. ung dapat isusulat niya hindi maisulat dahil takot balikan ng angkan, kaya yung walang ginagawang masama na nagtitinda lang ang binweltahan??

  6. tumpak. May cancer na nga, ganyan ka pa morly. Ipagtatanggol sana kita dahil bading ka pero tatanda ka rin at magkakasakit. At walang nakakaalam sa atin kung ano ang bukas para sa atin. Kaya respeto na lang sa ibang tao lalo na sa hindi pinalad at sa may sakit.

  7. duwag naman !!! Iyung hindi makalaban e syang ginagawang katatawanan ng panget na morly!!! Iyung isa ang isulat mo ng matigok ka na!!! Panget!!!

  8. hwag nyo namang pagtulingan si morly!!! Mahilig iyang hinayupak na iyan sa talong na buhay!!! Sobra manlait e mukha namang pinitpit na bawang!!! Looser!!!

  9. may mga pagkakataon na hindi kasalanan ng manunulat yan. ang editor ay may karapatang ibain ang titulo ng mga artikulo. kung sa palagay niya ay mas makakatakaw-tingin ang mas nakagigilalas na titulo ay gagawin niya ito.

  10. Bakla ka talaga Morly. Masyado kang mapaghamak sa mga mahihirap. Di lahat ng tao ay may suwerte sa lahat ng panahon. Basta mabuti ang ginagawa wala ka ng pakialam kung ano pa siya. BAKLA !!!!!!!

  11. Korek ka Danny! Wlang kwenta article nitong c baklang Morly! Marangal na hanapbuhay ang pagttinda ng gulay so long as hndi ka nkakatapak ng ibang tao!

  12. I don’t usually give  comments about articles like this but I am just annoyed with why people are sarcastic about what others do to survive. So what if she is ” nagtitinda na lang ng gulay”. This is a great survival for me. To be humble in life is always the greatest thing that we can do. To feel happy when people have their downfall is not at all appreciated,specially when they  are ill. Here in America, particularly California as a part of the former American Dream, people don’t care about what you do for as long as it is fair and do not take advantage of others. PEACE brother, wars between nations are more than enough.Let us not make war in our immediate neighborhood because one day they will be the ones to save you from problems. 

  13. Pingback: Dating sexy actress, nagtitinda na lang gulay sa palengke! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.