DATING SEXY ACTRESS, IGINARAHE NA NG MAIMPLUWENSIYANG ‘BOLERO’!

BLIND ITEM: MADALAS pala sa condo unit ni dating sexy actress sa Metro Manila ang isang maimpluwensiyang guy na nakabase sa isang probinsiya sa Southern Luzon. Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, ang naturang condo unit ang mistulang lovenest ni dating sexy actress at ni maimpluwensiyang guy.

Kaya raw napapadalas si maimpluwensiyang guy sa condo unit ni dating sexy actress ay dahil na rin sa anak ni guy kay dating sexy actress. ‘Yun nga raw kasing anak nila ang gina-gamit ni dating sexy actress para hindi siya iniwan nu’ng lalaki.

Siyempre nga naman, mula nang humina at tuluyang ‘mawala’ sa mainstream ang sexy films, hindi na nagkaroon pa ng proyekto si dating sexy actress. Kaya nga raw ito ‘kumabit’ sa naturang lalaki ay para patuloy itong mamuhay sa luho.

At matalino si dating sexy actress, huh! Dahil ‘nabola’ lang naman niya ang maimpluwensiyang guy na ang limpak-limpak na salapi ay nanggagaling din sa ‘bolahan’. ‘Yun na!

SIMULA NA SA Lunes, Marso 21, ang ikalawang dramaserye ng TV5 – ang Mga Nagbabagang Bulaklak – kasunod ng tagumpay ng kauna-unahang dramaserye ng Singko na Babaeng Hampaslupa. Pagbibidahan ito ng dalawang bagong primetime princesses na sina Arci Muñoz at Ritz Azul.

Parehong big break ang i-binigay ng Singko kina Arci at Ritz. Mula kasi sa Starstruck, hindi naman nabigyan ng bida role si Arci sa bakuran ng Siyete, at nito lang paglipat niya sa Singko through her new manager Annabelle Rama, maraming magagandang bagay na nga ang nangyari sa career niya. Nagmistula namang ‘launching vehicle’ ng Star Factor runner-up na si Ritz Azul ang nasabing serye, na magpapakita ng husay niya sa pag-arte.

Sinasabing very provocative at very intriguing ang Mga Nagbabagang Bulaklak na iikot ang kuwento sa buhay at aspirasyon ng magkapatid na Dah-lia (Arci) at Daisy (Ritz) Flores na mga probinsiyanang kapwa nangarap abutin ang kasikatan sa showbiz bilang mga show dancers.

Ang Mga Nagbabagang Bulaklak ay mula sa napakagaling na direksiyon ni Jon Red.

Kasama sa serye ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Richard Gomez, Sheryl Cruz, Valerie Concepcion, Carla Humphries, James Blanco, Jay Aquitania, Victor Basa, Allan Paule, Jean Saburit, Mel Martinez, Luningning, Milagring, Mariposa, at Ruffa Gutierrez. Kasama rin si Philip Salvador sa isang very special role. Mapapanood ito pagkatapos ng Babaeng Hampaslupa.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

2 thoughts on “DATING SEXY ACTRESS, IGINARAHE NA NG MAIMPLUWENSIYANG ‘BOLERO’!

Leave a Reply

Your email address will not be published.