DATING SEXY ACTRESS, IGINARAHE NA NG MAIMPLUWENSIYANG ‘BOLERO’!

MADALAS PALA SA condo unit ni dating sexy actress sa Metro Manila ang isang maimpluwensiyang guy na nakabase sa isang probinsiya sa Southern Luzon. Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, ang naturang condo unit ang mistulang lovenest ni dating sexy actress at ni maimpluwensiyang guy.

Kaya raw napapadalas si maimpluwensiyang guy sa condo unit ni dating sexy actress ay dahil na rin sa anak ni guy kay dating sexy actress. ‘Yun nga raw kasing anak nila ang ginagamit ni dating sexy actress para hindi siya iniwan nu’ng lalaki. Siyempre nga naman, mula nang humina at tuluyang ‘mawala’ sa mainstream ang sexy films, hindi na nagkaroon pa ng proyekto si dating sexy actress. Kaya nga raw ito ‘kumabit’ sa naturang lalaki ay para patuloy itong mamuhay sa luho.

At matalino si dating sexy actress, huh! Dahil ‘nabola’ lang naman niya ang maimpluwensiyang guy na ang limpak-limpak na salapi ay nanggagaling din sa ‘bolahan’. ‘Yun na!

(By Danilo Jaime Flores)

loading...

4 thoughts on “DATING SEXY ACTRESS, IGINARAHE NA NG MAIMPLUWENSIYANG ‘BOLERO’!

  1. parang yung ex ni joey marquez (yung morena) yan at yung ex niyang pulitiko…i think lang, showbiz naman kaya tama lang hula-an

Leave a Reply

Your email address will not be published.