Dating sexy actress, hirap na hirap sa sakit na AIDS!

NGAYONG ARAW NA ito ng Lunes nakatakdang lumabas ng kulungan ang asawa ng dating sexy actress na si Cristina Crisol matapos na ito ay makulong nang kung ilang araw dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

Pinuntahan ng Pinoy Parazzi si Cristina sa mismong bahay nito sa Pampanga at nakita natin siyang lugmok sa problema.

“Ilang araw na ngayon sa kulungan ang asawa ko wala akong pang piyansa. “ sabi niya sa amin at sinabayan niya ng hagulgol at nag-uunahan ang kanyang mga luha.

“Matagal na ang kasong iyon, akala ko tapos na. Kasi eleven years na, pero nagulat ako nang damputin ang asawa ko ng pulis at ikulong.”

Ayon pa rin kay Cristina, hindi niya ikinakaila na maging siya mismo ay gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Noon iyon pero matagal nang hindi na namin ginagawa, kaya nga ang sakit-sakit.”

Kaya ang maipapayo raw niya, “Huwag na ninyong subukang mag-drugs dahil talagang walang magandang idudulot sa inyo iyan.”

Sinabi pa rin ni Cristina na kahit nagdidildil sila ngayon sa asin, masaya siya kung makakasama niya ang ama ng kanyang mga anak.

“Kahit mahirap kami, kahit halos wala kaming makain, basta sasama-sama lang at buo ang aking pamilya, masaya na ako nu’n.”

Sa kabuuan, sinabi ni Cristina na wala siyang pinagsisihan kung nawala man ang dati niyang kinang bilang sexy actress.

“Ang importante, Morly, kahit mahirap lang ako ngayon at nakikita ninyong hikahos ay masaya pa rin.”

BLIND ITEM: MARAMI na kaming nahanap at nakausap na dating mga sikat na artista na kadalasan ay may sakit at hikahos sa buhay, at meron din namang stable ang kanilang financial status (Vida Verde, Jenny Roa, ang yumaong si Carmen Ronda, ang nabaliw na si Brandy Ayala, si Myra Manibog na nagtatrabaho sa call center na nagkaproblema sa hospital bill, at ang action star na si Rene Imperial, ang mag-asawang Zeny Zabala at Direk Ben Feleo at kung sinu-sino pa). Pero higit na naloka kami as in nabaliw sa isang dating sexy actress na ngayon ay may sakit na AIDS.

Ang nasabing aktres ay nakatira ngayon sa isang kamag-anak. Matagal na siyang wala sa showbiz at ngayon ay may malubhang karamdaman. According to my source, ayaw raw magpakita ni aktres sa publiko dahil ibang-iba na ito sa dati niyang anyo. Bukod sa payat ay kalbo na ito.

Hindi na namin bibigyan ng clue kung sino man itong sexy actress na ito, dahil na rin sa kahilingan ng nasabing aktres na itago na lang natin sa pangalang Romana.

MARIING ITINANGGI NI Joy Cancio na lilipat na ang Sexbomb sa programang Willing Willie ni Willie Revillame. Ayon kay Joy, totoong dumalaw siya sa programa ni Willie sa Singko pero hindi raw ang Sexbomb ang hinahanapan niya ng trabaho.

“’Yung bagong dance group dance ko na Pink Society ang hinahanapan ko ng work. Bilang manager siyempre, dapat maihanap ko sila ng work na tulad sa ipinangako ko sa kanila sa pinirmahan nilang kontrata sa akin.”

Ayon kay Joy, walang katotohanan ang balitang sinusulot niya ang muntik nang mabakanteng posisyon ng Wiling Willie Girls, nang ang grupo ay magkaproblema at i-suspend ni Willie.

“Hindi totoo iyon, dahil ang totoo, marami pa rin namang ginagawa ang Sexbomb at stable na sila sa kanilang mga raket. Ang kausap ko ay si Boss Vic Del Rosario at ang sabi ko sa kanya, kung gusto niya may bagong alaga ako. At ang sabi niya sa akin ay gusto raw niyang makita kaya nandu’n ako that time sa show ni Willie.

Sa pagkukuweto pa rin ni Joy, sinabi niyang may mga project na niluluto ang Channel 7 sa Sexbomb at hindi totoong pinabayaan na sila.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

2 thoughts on “Dating sexy actress, hirap na hirap sa sakit na AIDS!

  1. Pingback: Tweets that mention Dating sexy actress, hirap na hirap sa sakit na AIDS! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.