Dating sexy actress Allona Amor, ‘di na sasayangin ang pagkakataong makabalik sa showbiz

Masaya ang dating sexy actress na si Allona Amor na ngayon ay nagbabalik-showbiz. Isa si Allona noon na matunog ang pangalan at maraming nagawang solo movies sa bakuran ng iba’t ibang production outfit tulad ng Regal Films, Star Cinema, Seiko Films, Leo Films, El Niño Films, at iba pa.

Allona Amor

More than 50 movies ang nagawa noon ni Allona, at isa sa pinagbidahan niya ang pelikulang “Virgin People 3” ng yumaong veteran director na si Celso Ad Castillo. Kasabayan niya noon sina Ana Capri, Ynez Veneracion , Natasha Ledesma, Via Veloso, at marami pang iba na nagkaroon din ng pangalan sa movie industry. 

Sa ngayon, malaki ang pasasalamat ni Allona sa lahat ng mga taong tumutulong sa kanya para makabalik muli sa showbiz under GMA Kapuso Network. Hindi na raw niya sasayangin ang pagkakatong muling makabalik at mabigyan pa ng isang pagkakataon. 

Mapanonood ngayon si Allona sa melodrama, romance, and revenge series na “Ika-6 na Utos” ng GMA na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion, Sunshine Cruz, Ryza Cenon, Mike Tan, at iba pa. 

Pero bago pa man ang “Ika-6 na Utos”, una na siyang napanood sa seryeng “Oh My Mama” at “Hahamakin ang Lahat”.

Samantala, ‘pag walang work sa showbiz si Allona, hands-on naman siya sa pagiging ina sa kanyang dalawang guwapong anakis na sina Nash (13 years old) at Alih ( 2 years old) na malaki ang posibilidad na sumunod sa kanyang yapak bilang artista. Pak! 

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.