Dating sexy actress, ‘di na nag-dyowa pagkatapos ni Noynoy Aquino!

LAST MAY 21, nagpadala na si Willie Revillame ng resignation paper sa Channel 2 at ngayong araw na ito ng Lunes ay kakausapin ang komedyante ng pamunuan ng Dos kaugnay sa kanyang pagre-resign.

“Actually, hindi papayagan si Willie ng Dos kasi may kontrata pa siya,” sey sa amin ng isang taong malapit sa amin na nagtsika rin na “nagpapataas” lang daw ng talent fee ang host kaya nagre-resign ito.

Mas mataas daw kasing hindi hamak ang talent fee na inaalok ng isang TV network kay Willie kumpara sa nakukuha nitong milyones sa Channel 2.

“Actually sa isyung ito ay nagagamit si Jobert Sucaldito. Ginagamit siya ni Willie. To think na maliit lang naman sana ang problema, kaso pinalalaki ni Willie. Handa namang makipag-ayos si Jobert at nakita mo namang since nu’ng kausapin si Jobert ng taga-Dos ay never na siyang nagsalita. Nanatiling tikom ang kanyang bibig pero hindi ibig sabihin niyon, mag-a-apologize na siya. Dahil in the first place, kung anuman ang kanyang pinaninindigan ay may makikita ka namang bahid ng katotohanan.” Dagdag pa ng aming source.

Sa kabuuan, mapipilitan ang Dos na magdagdag talent fee kay Willie ‘pag hindi nila ito pinayagang umalis. Sa kabilang banda, marami ang natutuwa kay Robin Padilla sa pagho-host nito ng Wowowee, dahil bukod sa magaan ang show ay mararamdaman mo ang pagiging magalang ng aktor na hindi naman boring ang dating.

MAAPEKTUHAN ANG THE Buzz sa gagawing pag-alis ni Kris Aquino pero hindi nangangahulugang babagsak na ang nasabing programa dahil marami na itong napagdaanang unos, pero nanatiling number one pa rin sa ratings. Sey ng aming spy, malamang ay si Gretchen Barretto ang ipalit kay Kris dahil si Gretchen lang ang nagtataglay ng mga katangiang meron si Tetay at ito ay ang pagiging kontrobersiyal.

Marami ang nagsasabing babagsak na raw ang The Buzz sa pagkawala ni Kris na sa tingin namin ay hindi. Magagaling ang mga taong nasa likod ng nasabing programa at hindi sila basta kayang patumbahin ng ganitong situwasyon. Lagi silang may handang “bala” sa lahat ng mga problemang dumarating sa kanila at iyan ang pagkakaiba ng The Buzz sa ibang programa.

PINUNTAHAN NAMIN ANG bahay ng dating sexy actress na naging konsehal ng Talavera, Nueva Ejica na si Barbara Milano at laking gulat namin dahil ang dating bahay nitong barung-barong ay isang mala-palasyong tahanan na ngayon.

Si Barbara ay dating girlfriend ni Noynoy Aquino na hindi nagtagal ang kanilang relasyon, dahil na rin sa malaking agwat at pagkakaiba ng kanilang pamumuhay. Isa sa pamilya ni Barbara ang nagsabi sa amin na minahal daw ng todo ni Barbara si Noynoy noon at iniyakan ito kaya lang ay tinanggap ng dalaga na hindi sila para sa isa’t isa ng magiging presidente na ng Pilipinas.

Sa ngayon, dalaga pa rin si Barbara at parang sarado na ang kanyang puso sa larangan ng pag-ibig. Mula raw kasi nang mag-break sina Barbara at Noy ay hindi na uli nag-boyfriend ang dating aktres at ipinokus na lang nito ang atensiyon sa mga negosyo.

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleSarah Geronimo, duda sa kakayahan ni Judy Ann Santos?!
Next articleSarah Geronimo, nagpatutsada kay Rayver Cruz?!

No posts to display