Blind Item: Dating sexy actor, takip-unan ‘pag nakikipag-sex sa nakarelasyong bading!

IPINAGTAPAT NG ISANG dating nagpapaseksing aktor sa isa niyang kaibigan kung bakit kumapit siya noon sa patalim sa pagpatol sa isang kilalang bading sa lokal na aliwan.

Nu’ng una pala, kontrang-kontra sa kanyang kalooban ang pakikipagrelasyon sa bading. Hangga’t maaari, pangkaibigan lang ang kaya niyang ialok sa pakikipaglapit sa mga ito, pero nahulog siya sa bitag ng bading na aminado naman siya na nakarelasyon niya nang ilang taon.

Sabi ng aming source, “Ang una palang niligawan ni ____(pangalan ng bading), e, ang pamilya niya. Naging magka-close siya at ang mommy ni ____(pangalan ng dating nagpapaseksing aktor), kaya palagi nang nagpupunta sa house nila ‘yung bading!

“Parang ‘yung mismong mommy niya ang nagpain sa kanya sa bading. Masakit lang pakinggan, pero totoong ang mismong mommy niya ang nagbugaw sa kanya du’n sa bading.

“Mga patagilid na emote ang ginawa ng mommy niya, ‘Wala naman siyang ibang intensiyon kundi ang matulungan tayo, anak, huwag mo naman sanang masamain ang friendship na inio-offer sa iyo,’ mga ganu’ng atake ang ginawa ng mommy niya.

“Natural lang na dahil close na ang bading sa buong pamilya niya, wala na siyang choice kundi ang makipaglapit na rin du’n sa tao. Hanggang sa ‘yun na nga, bumigay na rin siya nu’ng bandang huli,” kuwento ng aming impormante.

Sinunod ng bading ang bawat luho niya, sasakyan, bahay, magagarang personal na kagamitan, lahat ‘yun ay nakuha niya nang biglaan, pero ang naging kapalit naman nu’n ay ang kanyang katawan.

“Aminado naman siya na nalula rin siya sa mga material things na ibinibigay sa kanya nu’ng bading. Pero kuwento niya, ilang buwan ‘yun na kapag may ginagawa silang action sa kama, tinatakpan niya ng unan ang mukha niya.

“Matagal bago niya natanggap ang kakaibang relasyon na pinasukan niya. Imagine nga naman, chickboy siyang nakilala, crush siya ng mga kaklase niya nu’ng high school and college days niya, pero sa bading pala siya babagsak pagdating ng panahon.

“Pero nandu’n na siya, lulong na siya sa relasyon nila na kumalat din agad dahil parang naging trophy siya nu’ng bading, kaya hindi siya nakalabas agad kahit pa gustuhin niya,” paliwanag ng aming source.

Ngayon ay pamilyado na ang aktor. Matagal bago natanggap ng bading ang kanilang paghihiwalay. Kung anu-anong pagbabanta ang ginawa nito pero nagdesisyon na talaga ang dating nagpapaseksing aktor na magbagong-buhay.

Meron ba kayong kamay diyan para palakpakan ang sinasabi ng aming source na pagbabagong-buhay (hindi pagbabagong-bading, ha?) ng dating sexy actor?

by Cristy Fermin

loading...

10 thoughts on “Blind Item: Dating sexy actor, takip-unan ‘pag nakikipag-sex sa nakarelasyong bading!

  1. OMG! WALA BA KAYONG MGA KAMAY! from the rexona ad ng POWERBOYS! I love Powerboys. Crush ko si Greg! Lol JORDAN sayang naman.

  2. Mga syókeng ito’t sindudumi ng mga tumbong nila ang bibig kung magsalita, áh! Mga hitad!!! :twisted: :evil: :x

  3. jordan herrera..

    hay naku shrek mga blind items mo puro reycled nyahahhaa
    wala na bang ibang bago, kundi nalipasan ng panahon
    mga ninakaw mo lang sa sampayang ng iba, ginamitan mo lang ng mala tandang sora mong salita nyuahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.