Dating Sexy Actor, Booking Agent ng mga Sexy Actor na Walang Raket?!

SIPAT: Tsk… WALA na ang GOLDEN VOICE ni NORA AUNOR.
EKLAT: Pero ‘yung KASIKATAN niya… NAND’YAN pa rin?

SIPAT: SINISISI ng KAMPO ng SUPERSTAR ang GINAWANG PAGRETOKE sa kanya.
EKLAT: BA’T naman kasi… GUSTO pang GUMANDA?

SIPAT: NAGSAMPA na ng kanyang DEMANDA si CRISTY FERMIN LABAN kay CHOKOLEIT.
EKLAT: Naku, MAGKAKAYOS din ‘yan… sa TWITTER!

SIPAT: WALA na rin bang ATRASAN ang DEMANDA ni CLAUDINE BARRETTO kay ANGELICA PANGANIBAN?
EKLAT: WOW! ‘Eto na ang TELESERYE ng TOTOONG BUHAY!

SIPAT: DALAWANG KASO ang TUTUTUKAN ng MADLANG PIPOL…
EKLAT: Mala-SOAP OPERA ‘yung ISA… HORROR-FANTASY naman ‘yung ISA!

SIPAT: Teka, STAR MAGIC TALENT si CHOKOLEIT, ‘di ba?
EKLAT: ‘MR. M’, IPAGTANGGOL mo naman!

SIPAT: BREAK na sina RICHARD GUTIERREZ at JEWEL MISCHE.
EKLAT: Ay, MAGSYOTA pala sila?!

SIPAT: VERY PRIVATE lang ang naging RELASYON nina RICHARD at JEWEL, kaya hindi masyadong PUBLICIZED.
EKLAT: A] HINDI kasi MAKATUTULONG sa CAREER ni ‘CHARD; B] HINDI naman NAKATULONG sa CAREER ni JEWEL

SIPAT: VERY PRIVATE din ang LOVELIFE ni RAYMOND GUTIERREZ, ‘no?
EKLAT: NO COMMENT.

SIPAT: ‘KAALIW si KEANNA REEVES. HALOS LAHAT yata NAKARELASYON na niya.
EKLAT: D.O.H. Paki-BANTAYAN po…

SIPAT: NAGMAGANDANG LOOB na nga si ENCHONG DEE, ININTRIGA pa!
EKLAT: KURUTIN nang PINUNG-PINO ang mga INTRIGERANG ‘yan!

SIPAT: ‘HINDI lang mga BADING ang BOOKING AGENT, ‘no?’ mataray na sey ng MAHADERA. ‘Si EX-SEXY ACTOR kaya, ‘yan ang SIDELINE. PAPASAN siya ng mga SEXY ACTORS na WALANG RAKET!’
EKLAT: ‘ANO nga ule ‘yung ROMAN NUMERAL ng 900…?’ segwey na tanong ng MAHADERA.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

15 thoughts on “Dating Sexy Actor, Booking Agent ng mga Sexy Actor na Walang Raket?!

  1. Sus naman Ka-parazzis Prostitution is the World’s Oldest Profession–noong panahon pa ni Mahoma, pera na talaga ang basehan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.